14: The Spirit

1.9K 104 11
                                    

To moon_goddess14 hi to you💕 you're one of the people I'm rooting to continue writing and to all the readers out there. I love you all, I don't care about your number or how many are you as long as you genuinely read. I'm so glad I have readers, nagbasa kasi uli ako sa mga comments niyo noon sa dati kong books at sa mga messages niyo. I'm so happy. Ilysm💕
PS: di ako maka add dedication sa chapter mismo (kahit gustuhin ko man at umiyak man ako ng dagat) dahil po sa web po siya at kailangan po sa laptop. Hayss. Ty😊

Chapter 14: The Spirit

"Good morning dear!" bati sa akin ni Artemis pagkagising na pagkagising ko.

Ngayon ay napag-alaman ko na si Artemis pala ang diyosa ng pangangaso, pag-aalaga at diyosa ng buwan. No wonder why is she so beautiful.

Ako rin maganda. Syempre, alangan naman i-down ko rin ang sarili ko, diba.

"Good morning." kinusot ko naman ang mata ko bago bumangon mula sa higaan dito sa ibabaw.

"Look what you've done last night Eris." wika naman ni Atropos habang nakatingin mula sa labas.

"Why?" kunot noong tanong ko na naaalimpungatan pa lang.

"Yung ahas kagabi na pinagapang mo kay Zeus at sa babaeng iyon."

"Bakit anong problema?" tanong ko at agad na bumaba mula sa kama.

"Problema nga siya." tawa naman ni Artemis habang abalang inaayos ang buhok niya.

Walang pag-aalinlangan naman akong tumingin sa labas mula sa pintuan.

Kita naman mula rito ang silid na pinangyarihan ng kung ano mang trahedya ang nangyari kagabi.

"Aba! Iba rin!" tawa ko naman at agad na lumabas at pumunta sa lugar na iyon.

Ang galing naman pala ng ginawang gulo ko kagabi. Maraming kumpol ng mga kababaihan ang nakikipagchismisan kung ano nga ba ang nangyari sa lugar.

"Kaawawa naman."

"Siya ba yung sumigaw kagabi?"

"Sayang ang ganda pa naman niya."

Iyan ang bulungbungan nila rito habang tinitignan ang babae na kinalabit ni Zeus kagabi.

Nakipagsiksikan naman ako sa kanila hanggang sa makita ko ang babaeng iyon sa loob. Nakaupo lang ito at lutang na nakatingin sa malayo, halatang tulala.

Parang na-trauma ata siya sa ginawa ko. Nakakatakot ba yung ahas?

"H-hindi s-sila tao. M-mga Olympian s-sila." nanginginig na sambit nito habang lutang na lutang ang sarili at tulala.

Napailing ako at napahalukipkip, "Hayss. Ganitong klaseng Olympian pala si Zeus?" napangiwi pa ako bago umalis doon sa lugar na iyon.

Mukhang na-trauma talaga ang babaeng iyon sa ginawa ko. Hayss, siguro masama naman talaga ang manggambala gamit ang ahas sa mga nagkakasiyahan at inaabot ang langit.

Umalis na ako roon nang sabihin ng mga opisyal sa lugar na ito na dadalhin ang babaeng iyon sa kabilang bayan upang mapatignan. Nabaliw siguro ata, kawawa naman.

Bumalik naman ako sa silid namin at nakitang wala na si Artemis doon at tanging si Atropos nalang ang naiwan na halatang abala rin sa paghahanda ng kaniyang sarili.

"Asan si Artemis?" tanong ko.

"Ah, umalis para mangaso at tulungan ang kagubatan na panatilihin ang sarili nitong ganda." nakangiting sabi niya sa akin habang tinatali ang kaniyang buhok.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now