59: World War II

974 62 18
                                    

"Angelica?"

"What?"

"Kiss me if I'm wrong but... are you white?"

"Sapak gusto mo?!"

"Sabi ko halik hindi sapak," nakasimangot nitong saad habang pinapanood akong nagbabasa ng libro.

Tahimik lamang ako at nagpapatuloy sa pagbabasa nang makita ko siyang hindi parin inaalis ang pagkakatitig sa akin. "May problema ba?" kunot noong tanong ko.

"Yung halik ko?" singil nito.

Umiling ako at agad na iniwas ang aking mukha sa kanya. "Bakit?"

"Tara sa labas. Laro tayo," he asked like a child.

Wala akong nagawa kundi ang suminghay.

Dalawang araw muna kaming nagpalipas sa Olympus bago ako ibinalik ni Rhea sa mundo ko. Sa isang bahay malapit sa dagat na pag-aari ng isang mortal na anak ni Zeus.

Tatlong buwan na kami rito at matiwasay na naninirahan na parang walang pinoproblema. Bitbit ni Ares ngayon ang isang box na puro papel ang laman.

"Anong gagawin mo d'yan?" tanong ko at umupo sa buhangin.

Ngumiti lang ito at nagsimulang tupiin ang isang papel, dumukot naman ako ng isang piraso at ginaya ang ginagawa niya.

Natawa nalang ako nang makagawa siya ng bangkang papel. "Gawa tayo ng marami," sambit nito na parang bata.

Kumaway ako sa mga mangingisda nang madaanan nila kami. Sa tatlong buwan na pananatili namin dito ay naging kaibigan na namin ang mga mamamayan.

"Marami po bang huling isda?" tanong ko.

Isang masayang ngiti ang gumuhit sa kanilang mga mukha, "Simula nang dumating kayong mag-asawa sa pamayanan namin ay naging masagana ang aming ani at huli ng aming isda."

"Siguro nga ay maswerte kayo."

Pareho nalang kaming natawa ni Ares at nagpasalamat bago sila umalis bitbit ang kanilang mga nahuling isda.

"I told Demeter to give them plenty harvest," wika ni Ares habang patuloy ang pagtupi ng mga papel.

"Sinabihan ko rin si Poseidon na bigyan sila ng maraming isda," dugtong niya pa.

Tumango naman ako at napatingin sa kanya. He's so kind now. Hindi na kagaya ng mapaminsalang Ares na kilala ng lahat.

Today is 1941. Sobrang layo ng panahong ito sa panahon ko pero pinili kong bumalik sa mundo ko sa panahong ito para sa batang nasa sinapupunan ko.

Natatakot lang ako dahil baka dumating sa lugar na ito ang gulo dahil sa mga panahong ito naganap ang ikalawang digmaan.

Nandito naman si Ares kaya wala ako masyadong ikabahala. Matiwasay din naman ang pamumuhay namin dito.

Isa-isa na naming pinalutang ang mga bangkang papel na gawa ni Ares habang nakatampisaw ang aming mga paa sa dagat. Natatawa nalang ako dahil bumabalik muli ang mga papel na iyon sa dalampasigan dahil sa hampas ng alon.

Habang masaya kaming naglalaro sa dagat ay bigla nalang dumating ang isang napakalas na alingawngaw mula sa langit at nakita ko ang pagtakbuhan ng mga mamamayan pabalik sa kanilang mga bahay.

A-anong nangyayari? Nagsisimula naba?

Napatingin ako ngayon kay Ares. I gulped when I saw him holding a riffle on his hand. Bakit siya may hawak na baril ngayon?

"A-ares," tawag ko sa kan'ya.

"This is a big war," sambit nito at agad na hinawakan ang kamay ko at inalalayan ako patakbo sa bahay.

Isang grupo ng mga sundalong hapon ang biglang humarang sa amin dahilan upang mapalunok ako. This must be the time of Japanese Occupation.

"Naze jū o nigitte iru no?" (Why are you holding a gun?) tanong sa kanya ng hapon dahilan upang mapangisi si Ares.

"Anata wa ima anata ga dare ni chokumen shite iru no ka wakarimasen." (You don't know who you're facing right now.) sagot sa kanila ni Ares.

I didn't know he's good in Japanese. Sa napakaseryosong pangyayaring ito ay hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa galing ni Ares na magsalita ng Hapon.

Napakunot naman ng noo ang mga Sundalong Hapon at agad na inasinta ang bitbit nilang mga baril at itinutok sa amin.

"Bakit ka natawa tanong ni Ares?" bulong ni Ares.

"Marunong ka palang maghapon?"

"Yes, but I'm better when it comes to this," ngayon ay inasinta na ni Ares ang bitbit niyang baril at itunutok ito sa mga Hapon.

Iisa lang si Ares kaharap ang isang grupo ng sundalong ito.

"Ima shinu!" (Die now!) sigaw ng sundalo ngunit bago paman nila kami nabaril ay isa-isa na silang pinapakain ng bala ni Ares gamit lamang ang hawak niyang baril.

Si Ares, isa laban sa napakarami. He's indeed the god of war.

"Watashi no ashi o shinimasu!" (Die my foot!) ngising sambit ni Ares habang walang emosyong nakatingin sa mga nakahandusay na mga hapon ngayon sa harapan namin.

Pumasok kami sa loob ng bahay na parang walang nangyari. "Ares, this must be the world war 2!"

Napatingin ako nang nilabas ni Ares ang pana ko, "Athena gave this to you, can you still use this to protect the people here?"

Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Ares."

Umiwas siya ng tingin at dumungaw sa labas ng bintana, "You need to protect the people here and our child."

"Will you help me?" tanong ko.

"I need to go back to Olympus."

Parang gumuho ang buong mundo ko nang marinig ko iyon mula sa kanya. He's going to Olympus? Walang salitang lumabas sa aking bibig. Aalis siya sa panahong ito?

"We'll have to talk for a bit to protect the mankind. Kailangan nila ako roon para sa pagpapasya, isa itong malaking digmaan."

"Nandoon naman si Athena---"

"Some people doesn't need the mind, some of the people here needs might. Kailangan nila ako sa Olympus."

Napatungo nalang ako at napahawak ng mahigpit sa pana. "Promise me to protect the people here as well as our child, can you?"

Wala akong sinabi at tumango nang yakapin niya ako ng mahigpit. Naalala ko noong nasa Troy kami at nakikipagdigma, ganito rin ang nagyari sa Prinsipeng si Hector at kanyang asawa na inatasan niyang protektahan ang mga tao at ang kanilang anak.

"Sandali lamang ako sa Olympus," bulong nito.

"Ang sandali doon ay mahabang panahon sa mundong ito."

Hindi na siya nakapagsalita nang sabihin ko iyon at hinalikan na lamang ang aking noo. "Angelica," bulong nito sa pangalan ko.

"Don't worry I can make it."

"Hindi ko maiwasang hindi mag-alala."

Kumalas ako sa pagkakayap sa kaniya at agad na pinakita ang dalawang kwintas na suot ko. "The mighty god and goddess of war is with me. I'm wearing a protective weapon from Ares and Athena."

"Pangakong babalik ako. Babalikan kita at yayakapin ka at magkakaroon pa tayo ng maraming anak."

Bahagya akong natawa. Hindi niya parin binubura sa isip niya ang maraming anak.

"Gusto kong mamatay habang yakap mo ako, Ares."

Tumango ito at mapait na ngumiti, "Kahit masakit. Kung iyan ang gusto mo, gagawin ko."

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now