13: Unfaithful

1.8K 85 24
                                    

Chapter 13: Unfaithful




"Get ready Eris dear, one of your enemy is coming over." ngising sabi naman ni A na para bang sinasabi niyang 'kabahan ka na Eris.'

Ha? Malay ko ba kung sino pa ang mga enemy nitong si Eris?

Kainis pakiramdam ko tuloy ay napunta ako sa katawan ng isang basagulerang babae.

"WHERE IS HE?!" agad naman akong nagulat nang biglang bumukas ang pinto nitong maliit namang silid at niluwa ang isang napakagandang Olympian.

"Hera?" nagtataka kong sambit sa pangalan ng babaeng basta nalang bumungad sa harap namin ngayon.

Anong ginagawa niya rito? Diba nga dapat ay abala siya ngayon sa pakikipagtalo kay Athena at Aphrodite tungkol sa kung sino ang pinakamaganda sa kanilang tatlo?

"Have you seen him?" she desperately asked with anger drawn all over her.

Sinong lalaki ba ang hinahanap niya?

"We don't have your husband here. Find him on other's room here, maybe mortal's." walang ganang sagot ni B sa kaniya dahilan upang maslalong mainis itong si Hera.

"Atropos?"

"Yes darling?" sagot naman ng babaeng katabi ko ngayon.

Ah, ibig sabihin ay Atropos ang pangalan ng babaeng ito.

"You're the goddess of fate and death right?" nakapikit na wika ni Hera na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa pintuan ng silid namin at halatang pinipigilan ang kaniyang sarili na magalit na husto.

"No other than me." ngiting sagot naman nitong si Atropos sa kaniya.

Ah, tama nga akong isa siyang Olympian. I must put her on my mind, this woman names Atropos, the goddess of fate and death.

Ang kailangan ko nalang ding alamin kung sino at kung ano ngayon ay itong si B na kasama namin dito sa silid.

"Kill the mortal who's with Zeus right now. I want her to be dead and suffer under the kingdom of Hades!" nanggagalaiting wika ni Hera.

Umiling si Atropos, "Kahit na patayin ko pa ang lahat ng babaeng mortal sa lugar na ito maghahanap at maghahanap parin si Zeus ng maikakama niya."

"Urgh!" reklamo ni Hera.

Napatingin naman ako kay B na natawa lang sa pinaggagawa ngayon ni Hera, "Relax Hera, your husband has been f*cking mortal ever since the universe begun! Just accept the fact that Zeus is horny as always."

"Shut up Artemis!" galit na singhal pa ni Hera at tinapunan ng matalim na tingin iyong si Artemis.

Ah, siya pala si Artemis parang narinig ko na ang pangalan niya pero hindi ko lang matandaan kung saan pero sigurado na ako ngayong isa rin siyang Olympian.

"Urgh! THAT ZEUS!" nakakuyom na wikang muli ni Hera.

Nanatili akong tahimik at binaling lang ang tingin kay Hera. While I'm staring on her and all her features, all I can say is that she is damn undeniably gorgeous, beautiful, perfect or whatever it is called.

Sobrang ganda niya. Her eyes were dazzling, her lips were perfectly curved and red, her nose, her skin. Woah!

Sa ganda niyang iyan? Ginagago parin siya ng asawa niya?

I seriously can't believe Zeus for doing such thing on Hera! Sabagay makisig naman siya, pero kahit na!

"Eris."

"What?" kunot noong tanong ko nang tawagin na ang pangalan ko.

Akala ko ba enemy kami ng isang 'to?

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin