2: Eris

3.4K 139 20
                                    

Chapter 2: Eris



The last thing I remember is darkness.

"Eris! Eris! Eris!" rinig kong boses ng isang lalaki.

Where the hell am I?

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Medyo nahihilo pa ako at madilim-dilim pa ang nakikita ko sa paligid.

Did I really die?

Kinapa ko ang aking dibdib at laking gulat ko dahil nakatusok parin ang palaso rito.

Tinignan ko ito ng maigi. Napakalalim ng pagkakatusok nito sa dibdib ko. Tingin ko, masmalalim pa'to sa pagkakadiin ko rito kanina.

"Eris?" napalingon ako sa lalaki sa aking tabi.

"Where the hell am I?" tanong ko rito.

"Mabuti naman at nagising kana." nakangiting saad nito.

Isang lalaki na nakasuot ng kasuotang pandigma. Who is he?

"Hugutin mo na 'yang palasong nasa dibdib mo." kalmadong saad nito.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang tent kami na tanging maliit na apoy lang ang nagsisilbing liwanag.

Napahawak ako sa buntot ng palaso na nakatusok pa sa aking dibdib.

"Na'san ako? Sino ka? Patay na ba ako?" sunod sunod kong tanong.

"Nasa kampo ka ngayon. Ako si Raphael at hindi ka mamamatay dahil imortal ka." he explained using his calm voice.

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga. I feel so different.

I don't... I can't understand.

Nanginginig man at kinakabahan ay sinunod ko ang sinabi ng lalaki, unti-unti kong hinugot ang palaso sa dibdib ko.

Wala akong naramdaman ni kunting sakit o kirot na dulot ng palaso.

Walang dugong tumulo mula sa pagkakatusok nito. Ang maslalong kinagulat ko ay ang agad na paghilom ng sugat na dulot nito.

"Paanong nangyari yun?" nagtatakang tanong ko.

"Ang alin?" tanong ni Raphael habang hinahasa ang hawak niyang espadang pandigma.

"Bakit hindi masakit? Bakit wala akong sugat?"

"Dahil ikaw si Eris."

"Eris? Sinong Eris?"

"Ikaw."

"I'm not Eris. I'm Angelica!" diin ko pa rito.

Imbis na ipaliwanag niya sa akin kung ano ang nangyayari ay hinipo niya lang ang aking noo. "Akala ko ba ay hindi nagkakasakit ang isang diyosa."

"Diyosa?"

"Bakit?"

"Alam kong ala diyosa ang ganda ko pero..."

"Isa kang diyosa." pagputol nito sa akin.

"Kelan pa ako naging diyosa?"

"Simula sa simula." patuloy parin siya sa kanyang ginagawang paghahasa at pagpapakintab ng espada habang kinakausap ako.

Napatahimik ako sandali at nag-isip.

Bago paman ako napunta rito ay ikakasal pa ako kay Franco. Ngunit tumakbo ako at pumunta sa may balon, doon ko tinusok ang aking dibdib ng palaso. Parang... namatay ako.

"Bakit may palaso na nakatusok sa dibdib ko?" tanong ko para maliwanagan ako kahit kunti.

"Nakuha mo iyon kanina sa pakikidigma."

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon