8: The Preparation

1.9K 111 20
                                    

Chapter 8: The Preparation



"Oh naiinggit ka na naman diyan?" bilaang pag-singit ni Ares sa tabi ko habang nakaupo ako ngayon sa may veranda ng entrada ng kaniyang kastilyo.

Kanina ko pa naman kasi pinagmamasdan ang mga mariposang abala sa paghahanda ng mga dekorasyon na gagamitin sa gaganaping kasal.

"Psh! Paepal! Sinong may sabing naiingit ako? Baka ikaw ang inggit diyan!" inis ko namang sabi sa kaniya.

Simula nang makilala ko itong si Ares na kambal nitong katawang diyosang kinasasaniban ko ngayon ay wala na akong ibang napala mula sa kaniya kundi gulo at sakit ng ulo.

"Ba't naman ako maiinggit? Embitado ako sa kasal." pang-aasar pa nito na lalong ikinainis ko.

Aba! Ba't ba ako ginagulo ng lalaking ito ha?! Dapat ay nakikipaglampungan siya ngayon sa kasintahan niyang may asawa. Kainis!

"Psh! Inimbitahan ka lang kasi nandon si Aphrodite! Kala mo naman kung sino e kabit lang naman! Heh!" padabog akong umalis sa tabi niya at napagdesisyonang mag-isip sa malayo.

Malayo mula sa paepal na si Ares. Lalo niya lang naman kasing pinapainit ang ulo ko.

Habang naglalakad palayo ay bigla namang sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Raphael.

"Bilang diyosa ng sagupaan, ginugulo mo ang kasiyahan nila. Nagdadala ka ng iba't-ibang klaseng salamangka para lang magkaroon ng gulo sa kasiyahan. Diba?"

Ibig niya kayang sabihin, kagaya ng walang kwentang si Ares ay puro gulo lang din ang ginagawa nitong diyosang si Eris na ito.

Haysss. Walang duda na magkakambal nga sila niyong si Ares. Pwe!

Napagdesisyonan ko nalang na tumambay muna sa tabi ng isang ilog dito sa Olympus. Kailangan ko munang magnilay sa lugar na ito at mag-isip kung paano ako makaaalis sa katawang diyosa na ito.

Umupo ako sa damuhan sa may gilid ng ilog at inilabas ang espadang nasa gilid ko na para bang isang mandirigma. Agad ko naman itong pinagmasdan at nakita ang sarili kong repleksyon sa matulis na espadang ito.

Napabuntong hininga nalang ako. Mula sa isang guro sa kinder ay naging isang mandirigma ako.

Grabe talaga, hindi ko akalaing mapupunta ako sa lugar na ito matapos kong saksakin ang dibdib ko ng palasong bigay sa akin noon ni Lola.

Haysss. Bakit nga ba nangyari 'to na ang gusto ko lang naman talaga ay ang makatakas sa pagkakataong iyon, ayaw ko lang naman talagang maikasal sa pinsan ko no.

Napanguso ako. "Gusto ko lang naman ang magturo sa mga bata e, pero bakit ganon? Naging mandirigma ako sa lugar na ito? Kaasar!" at napasabunot naman ako sa sarili kong buhok.

Paano ba akong napunta rito ha?

Habang nagdadrama naman ako rito ay may nakita akong isang napakagandang dalaga sa kabilang bahagi ng gilid ng ilog ang abala sa pamimitas ng mga bulaklak.

"Lahat ba ng mga nandito ay magaganda?" nakapangalumbabang tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kabilang bahagi ng ilog.

Ang ganda naman kasi talaga ng babaeng iyan.

Hayss habang nandito ako sa lugar na ito pakiramdam ko nagiging walang kwenta na rin ako kagaya ni Ares. Tumayo nalang ako habang hawak ng parehong kamay ko ang espada.

"Magpractice nalang kaya ako?" sabi ko pa at kunwari nagpractice kung paano gumamit ng espada.

Pero kyeme ko lang lahil ginalawgalaw ko lang naman ito sa ere, mehehe.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora