44: Despair

1K 51 1
                                    

"Angelica!"

"Mom! I won't do it! I can't!"

"You will marry Franco and you can't change that!"

"I can't marry my own cousin for Pete's sake!"

"That's your fate Angelica and you can't do anything about it!"

"What?! Fate?! What are you talk---"

"You are a curse to this family and if you continue resisting you will continue living as a curse to our family!"

Sumpa? Isa nga ba akong sumpa sa pamilyang ito? Totoo naman ah.

Wala akong magawa upang pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata habang nakatingin sa aking ina na galit at desmayadong nakatingin sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang talikuran siya at umalis sa bahay na ito ngunit nang buksan ko ang pinto at makalabas dito ay bigla nalang nag-iba ang aking paligid.

Napalingon ako, napunta ako sa ibang lugar.

"Angelica" napatingin ako kung saan nanggagaling ang boses ng tumawag sa akin.

Agad akong napalunok nang makita kung sino ito. "Zeus?"

"Huwag mong hayaang pigilan kang muli ng sumpang nakabaon sa puso mo."

Nagulat ako nang makita ang mga katawang nakahandusay sa sahig. Ito ang mga katawan ng mga Olympian.

A-anong nangyari sa kanila?

"Minsan mo nang hindi napagtagumpayan ang misyong ibinigay ko at ni Eris sa iyo. Ngunit sa pagkakataong ito, kung hindi mo papagtagumpayan ang ipinagkatiwala sa iyo ng buong Olympus ay ganito ang mangyayari sa lahat."

Agad akong napasinghap at napahakbang paatras.

"Kung wala sila ay mawawala rin ang sakatauhan at iba pang nilalang na kanilang inaalagaan."

B-bakit?

"Labanan mo ang sumpa mo Angelica."

"Zeus," bulong ko akmang hahakbang pa sana ako palapit sa kaniya nang makita ko ang pag-ibang muli ng lugar kung nasaan ako.

Uh--- Kanathos?

Nandito ako ngayon sa isang talon kung saan umaayos ang napalinaw na tubig.

"E-Eris?"

Kung hindi ako nagkakamali, siya ang kakambal na diyosa ni Ares.

A-anong ginagawa niya rito?

"Gawin mong tama sa pagkakataong ito Angelica. Ang sumpa mo ay mawawala sa oras na magtagumpay ka kasama ang Olympus..."

"...pero kung hindi. Mauulit muli ang nangyari sayo at tuluyan nang maglalaho ang lahat."

Napatingin ako sa direksyon ng tinuturo ng kanyang kamay ngayon.

"A-anong---"

Para akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang makita ang ko ang aking sariling katawan na duguan at nakalutang sa tubig.

Gosh! "Find them Angelica, remove your curse and my twin's curse."

Hindi parin nagiging malinaw sa akin ang lahat nang bigla na naman akong napunta sa ibang lugar.

Ugh! I hate this! Anong nangyayari.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko nalang umiyak dahil pakiramdam ko sa sarili ko ay nanghihina ako.

Sino ba naman ako? Isa lamang akong hamak.

"Sssh, everything will be fine Angelica."

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak nang may isang babae ang bigla nalang yumakap sa akin.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Where stories live. Discover now