45: Comrade

974 54 6
                                    

Lumabas si Ares upang tignan ang kaguluhang nagaganap.

Napangisi ito nang makita ang mga tulisang winawasak ang buong lugar. What do we expect? He's the god of distraction, he must enjoy this scenario.

"TULOOOONG!"

"HUWAG PO!"

"Maawa po kayo sa amin!"

"Mamaaa!"

Di magkamaliw na sigaw ng mga mamayan sa lugar.

Napailing na lamang si Ares at tinignan ang mga tulisang iyon.

"Tsk! Tsk! Masyado ng luma Autolycus."

Nang walang anuman ay isa-isang nilapitan ni Ares ang mga mananalakay at walang hirap itong pinagpugutan ng ulo sa loob lamang ng ilang sigundo.

"Ares? Sinong may sabi sayong pugutan mo ang mga tao ko?" tanong ng isang lalaking nakatayo ngayon sa likuran niya.

Walang dudang ito ang lider ng mga tulisan.

"Hindi sila mga tao Autolycus, anino mo lamang sila," walang kisap mata ay hinarap ni Ares ang lalaki at tinutok sa mukha nito ang hawak niyang espada.

Napangisi lamang ang tulusan. "Hindi ako nagpunta rito para makipaglaban sa diyos ng digmaan, kaibigan."

Walang nagawa si Ares kundi ang ngumisi, "Hindi ka parin nagbabago."

Ibinaba ni Ares ang kaniyang patalim at itinago ito.

Matagal na panahon na silang hindi nagkikita ng lalaking ito.

"Kamusta Ares?"

Hindi sinagot ni Ares ang tanong ng kaibigan at agad na nilisan ang lugar na iyon upang balikan ang babaeng naghihintay sa kaniya.

Walang nagawa ang lider ng mga tulisan kundi ang sundan si Ares sapagkat nais niya itong kamustahin.

Dalidaling bumalik si Ares sa lugar kung saan niya iniwan si Angelica.

"Angelica?"

Agad namang kumunot ang kaniyang noo sa kaniyang nadatnan sa silid.

May karga-kargang bata si Angelica habang nakatingin sa isang lalaking walang malay at nakahandusay sa sahig.

"Anong nangyari?"

"Ares. Hindi ko alam ngunit tignan mo ito."

Nagulat si Ares nang ipakita ni Angelica ang pulso ng bata na may markang kagaya ng ibinilin sa kanila. Ang markang kidlat na kulay ginto na siyang nakatatak sa anumang parte ng balat ng mga mandirigma ng Trojab War.

"This kid is a warrior," sambit pa ni Angelica habang karga ang batang mahimbing na natutulog ngayon.

"Mukhang dalawang taong gulang pa lamang ang batang iyan."

"But he has the golden mark."

"Ganitong marka ba ang hinahanap ninyo?"

Pareho silang napalingon sa lalaking basta nalang sumulpot at pumasok sa silid at pinakita ang marka sa kanan nitong braso.

Siya ang tulisang si Autolycus na kaibigan ni Ares. Napailing nalang at napangisi si Ares nang makita rin ang markang iyon sa kaibigan.

"Mandirigma ka rin palang mandurugas ka," ngisi nito.

"Sino naman iyan?" tanong ni Autolycus nang makita ang lalaking nakahandusay ngayon sa sahig.

"Ajax," bulalas ni Angelica na parehong ikinagulat nina Ares at Autolycus.

Myth 2- Ares: The Knight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon