Chapter 1

3.2K 113 16
                                    

Zehra Anais

Abala ako sa paghahanap ng resume ko nang bigla akong bungangaan ni Tita Flor.

"Zehra! H'wag ka ngang tatamad-tamad diyan! Heto, magbenta ka para naman magkaroon ka ng silbi dito sa pamamahay. Aba, hindi kita kinupkop para lang mag-chill-chill lang dito sa bahay!"

She's my mother's sister, walang asawa pero merong anak. Naanakan siya ng meron nang asawa. In short, kabit si tita at anak sa labas ang anak niya. No offense meant, nagsasabi lang ako nang totoo.

"E-Eto na ho. Ano ho bang ititinda ko ngayon?" tanong ko habang iniimis ang kaninang ginagawa ko. Hindi dapat ako magtitinda ngayon eh, kaso baka kung ano na namang gawin ni Tita.

"Ano pang itinitinda mo palagi? Eh, 'di mga sigarilyo, kendi at tubig! Kailangan ubos lahat ha!? Alam mo na ang mangyayari kung hindi mo naubos 'yan," sambit nito bago medyo pabatong ibigay sa'kin ang lalagyan. Medyo natamaan pa ang ang dibdib ko dahil sa pagkakahagis niya. Ang bigat pa naman ng lalagyan ng tubig.

Hindi na lang ako nagsalita at saka dumiretso papunta sa terminal ng bus at jeep. Dito ako palaging nagbebenta dahil palaging madami ang mga pasahero dito.

Nang makapagbayad sa tricycle ay bumaba na ako at pumunta sa pinupwestuhan ko. Naabutan ko naman do'n si Faith na nakapwesto sa bilihan ng ticket.

"Uy, Zehra, 'di ba sabi mo hindi ka magtitinda ngayon kasi may aasikasuhin ka?" tanong kaagad nito nang makalapit ako sa kaniya.

"Oo sana, kaso nagbunganga si Tita Flor kanina habang may inaasikaso ako," sagot ko bago umupo sa tabi niya. Inilapag ko naman sa dala-dala kong maliit na upuan ang binebenta ko bago umupo ulit sa tabi ni Faith.

Sunod-sunod naman ang pagdating ng mga pasahero, karamihan ay sa trabaho ang punta habang ang iba naman ay papuntang probinsya. Mukhang makakaubos ako ngayon, ah.

Maaga akong makakuwi.

"Ano bang inaasikaso mo?" biglang tanong ng katabi ko.

Ibinigay ko muna ang sukli ng isang bumili bago lumingon sa kaniya. "Plano ko sanang mag-apply para magkaroon na 'ko ng pera at makaalis na 'ko sa bahay nila tita," sagot ko bago ulit humarap sa bumibili. "May alam ka bang pwedeng ma-apply-an?" dagdag ko.

"Hmm... subukan kong tanungin mga kakilala ko," sagot niya.

I sigh in relief. Buti na lang friendly at maraming kakilala 'tong si Faith. Social butterfly kasi.

"Salamat," sambit ko.

"Ay, ano ka ba? Haha. Wala 'yon, 'no!" ani nito bago ako hinampas ng medyo malakas sa braso. Ang aggressive talaga nitong babaeng 'to.

Nag-focus na ako sa pagtitinda matapos ang usapang trabaho. Sana lang ay may mahanap si Faith. Susubukan ko ring maghanap. Gusto ko na talaga umalis sa bahay ng tita ko na 'yon. Hindi ko na talaga kaya 'yong mga pang-aabuso niya sa'kin.

_____

"Bye, Zehra! Ingat ka pauwi!" sigaw sa akin ni Faith habang kumakaway. Hanggang mamaya pa siya dito dahil marami pang pasahero. Susunduin naman siya tska alam kong mababait naman 'yong mga kaibigan naming driver at konduktor dito sa terminal.

Kumaway naman ako pabalik bago naglakad papuntang sakayan ng tricycle. Maaga ako makakauwi ngayon dahil maagang naubos ang paninda ko.

"Kuya, diyan lang po sa kabilang kanto," sambit ko kay kuyang driver nang makasakay.

Habang bumabyahe ay napatingin ako sa tagsi-singkwentang wristwatch ko at nakitang mag-aalas nuebe pa lang ng gabi. Sana naman may tinira silang mag-ina na ulam. Kapag pa naman umuuwi ako galing terminal ay simot na simot ang platong may laman na ulam, pati nga kaldero ng kanin ay kulang na lang ay simutin din nilang mag-ina. Mas madamot pa sila sa madamot.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now