Chapter 48

402 25 0
                                    

Zehra Anais

"Hi, Zehra!" Nagulat ako nang may tumawag sa akin kaya kaagad akong napalingon dito. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ito. 

"Carms!" I exclaimed. 

Napangiti si Carmeline sa akin at naupo sa harap ko. Nandito ako ngayon sa isang coffee shop na nasa harap lang ng company ni Athena. Nagpaalam naman ako sa kanya na dito muna ako kasi nagugutom ako at nagke-crave sa mango shake at lemon cake. Hindi na niya ako nasamahan dahil may biglaang meeting ito with the boards. 

"How are you, Zehra?" tanong ni Carmeline nang makaupo sa harap ko. 

"Okay lang ako, Carms. Tatlong buwan na lang ay kabuwanan ko na," nakangiting sagot ko rito. 

Napasulyap ito sa tiyan kong may umbok na. I'm wearing a white floral puffed sleeve dress na tinernuhan ko ng white ballerina shoes. 

"Wow, you're almost there," aniya. 

"Do you want to touch it?" I asked. 

"Oh, ahm, it's fine, Zehra," sagot niya. Napansin ko ang kakaiba sa tono nito ngunit hindi ko na pinansin dahil masyado akong natutuwa sa paggalaw ni Sinag sa tiyan ko. 

Napaangat ang tingin ko sa kanya. "Ano pa lang ginawa mo rito?"

"I have some business to take care of," sagot niya at ngumiti. 

"Ah, gano'n ba?" Tumango naman siya. 

"Ikaw? What are you doing here?" 

"Ah, sinamahan ko 'yung asawa ko sa company niya pero nasa meeting kasi ito ngayon kaya iniwanan ko muna dahil nagugutom ang baby namin."

"Oh, is that so?" aniya at napatango-tango lamang. 

Sasagot sana ako nang matanaw ko si Athena na naglalakad papunta rito sa coffee shop. Mukhang napansin naman ni Carms na may tinitignan ako sa labas kaya napalingon din siya saglit bago ibinalik ang atensyon sa tea na nasa harap niya. Napansin ko ang maliit na ngisi nito habang hinahalo ang tea niya. 

"Hi, baby," bati ni Athena nang makarating sa pwesto ko at humalik sa noo ko. Naupo siya sa tabi ko at mukhang hindi napansin ang babaeng nasa harap namin. 

"Hi, how's the meeting?" tanong ko. 

"Stressful," maikling sagot niya. 

"Really? Tha's too bad," sabat ni Carms, dahilan para mapalingon kami sa babaeng nasa harapan namin na sumisimsim na ng tsaa. 

Napansin kong natigilan si Athena nang makita kung sino ang nasa harapan namin. Magkakilala ba sila? 

"Long time no see, Miss Sinclaire," she formally said. 

I nudged Athena, dahilan para matauhan ito. "Likewise, Miss Sanchez. Anyway, correction, it's Mrs. Sinclaire now," she formally greeted back. 

"So you already met my wife," ani Athena. 

"Yeah, and we're already close," sagot niya kay Athena kaya napalingon ito sa akin. 

Nakangiti naman akong tumango-tango. "I met her noong nagpunta tayo sa isla. She was heartbroken that time," sagot ko. 

"Oh, really? So you two are friends now?" 

"Yup," I said enthusiastically. 

Napatango na lamang si Athena at tumahimik sa tabi ko pero napansin ko ang masamang tingin nito kay Carmeline. Baka wala ito sa mood ngayon dahil nga stress siya. Kami naman ni Carmelin ay nagkwentuhan lang at hindi nagtagal ay umalis na rin ito dahil may dapat pa raw siyang gawin. 

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now