Chapter 24

1K 50 3
                                    

Third Person's POV

Days have passed and now, it's Zehra and Athena's wedding day. Abala ang ilan sa mga staff sa pagpa-finalize sa wedding venue, ganoon din ang mga make-up artist at hairstylist na kinuha upang ayusan ang dalawang bride.

Hindi maiwasang mapahikab ni Zehra sa harap ng salamin dahil sa antok. Hindi kasi siya nakatulog nang maayos dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Idagdag mo pang uminom siya ng isa't kalahating mug ng kape habang nilalantakan ang brownies na binigay ng tiyahin ng mapapangasawa niya.

"Close your eyes for a while, ma'am." Zehra immediately obliged the make-up artist.

Muntik pa nga siyang makatulog kung hindi lang nagsalita ang make-up artist na tapos ng lagyan ng eyeshadow ang mga mata niya. Napatingin siya sa salamin at kaunti na lang ay matatapos na silang ayusan siya. Mayroon din kasing babae sa likod niya na abala sa pag-aayos ng buhok niya.

"We're done, ma'am. You look enchanting," the make-up artist complimented after putting lipstick on Zehra's lips.

Napangiti si Zehra sa tinuran niya bago sumagot, "Thank you."

Hindi maiwasang mamangha ni Zehra habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Her make-up looks so natural and elegant, as well as her chignon bun hairstyle. May kaunting buhok na sinadyang itakas mula sa ipit niya at kinulot nang kaunti.

"This is not me," Zehra mumbled, still looking at herself in awe.

Napatigil siya nang makarinig nang katok sa pinto. Pinagbuksan naman kaagad ng isang kasama nila ang taong nasa labas ng kwarto.

Pumasok doon si Faith na naka-ayos na rin. She's wearing a peach chiffon wrapped around dress while her hair was curled. Napatigil pa ito sa paglalakad papalapit sa kaniya nang makita ang ayos niya.

"Alam kong maganda ako, Faith, kaya hindi mo na ako kailangang titigan," biro ni Zehra sa kaibigan na tila na-estatwa na sa pwesto.

"Mukha ka nang tao, bestie," sagot naman ni Faith sa kaniya nang makabalik sa sarili. "Pero in fairness, ang ganda mo talaga ngayon lalo," dagdag pa niya.

Napangisi si Zehra. "Ako lang 'to."

"Anyway, I'm here to give Kuya Dexter and I's wedding gift. Ako mismo pumili niyan, kaya you should wear it later. Okay?"

Inabot ni Faith kay Zehra ang dalawang box na magkaiba ang size. Kulay puti ang medyo malaking box na galing kay Faith dahil sa pangalan niyang nakalagay sa nakabukas na card, habang ang malaking blue na box naman ay sa tingin niya'y galing kay Kuya Dexter. Mas mabigat ang regalo ni Kuya Dexter kaysa kay Faith.

Ano kayang laman nito?

"Pwede ko na bang buksan?" tanong niya kay Faith.

"Yeah, sure! Gusto kong makita ang reaction mo," she said excitedly.

Unang binuksan ni Zehra ang regalo niya. Tinanggal niya sa pagkakatali ang gold na ribbon at saka tinanggal ang takip nito. Hindi niya pa muna nakita ang laman dahil may papel na nakatakip dito kaya naman hinawi niya iyon, at doon na nga bumungad sa kaniya ang regalo ni Faith na labis kong ikinagulat at ikinamula.

I knew it! Alam kong ito ang ireregalo niya sa akin! Napakagago niya talaga!

Kaagad niyang sinara ang box at masamang tumingin kay Faith na nagpipigil nang tawa sa gilid niya. Namumula ito at nakatakip ang dalawang palad sa bibig.

She freaking gave a white two-piece floral lace lingerie! This woman is insane!

"Peace, babe! Bagay naman sa'yo 'yan kaya wear it later, ha?" natatawang saad ni Faith sa kaibigan na namumula na rin sa hiya.

Loveless MarriageOù les histoires vivent. Découvrez maintenant