Chapter 32

1.4K 55 14
                                    

A/N: Forda late update ang ferson. Sorry! Super busy lang talaga! Happy reading!

____

Zehra Anais

"Uy, dahan-dahan naman sa pag-inom," pagsaway ko kay Athena na kanina pa hindi tumitigil kakainom ng alak.

Namumula na ang mukha niya at lasing na siya pero ayaw pa rin tumigil. Hanga rin ako rito dahil ang taas ng alcohol tolerance. Ang mga kasama nga namin ay pare-pareho nang bagsak. Nauna na nga si Mr. Ford na bumalik sa hotel room niya dahil lasing na rin siya.

Hindi naman lahat sumama rito sa bar dahil hindi rin naman nag-iinom ang iba kaya pinili na lang nilang magpahinga sa hotel rooms nila. Sinulit nga talaga nila ang pag-ii-stay rito dahil kinabukasan nang hapon ay uwi na namin.

"But I want moreeee," she whined like a kid.

"You're already drunk, Athena," nawawalan na nang pasensyang wika ko.

Bakit ba siya ganito? Simula noong naghihintay kami sa pagdating ng magulang ni Amara ay ganito na siya. Para bang sobrang bothered niya, tapos medyo wala siya sa sarili kasi hindi ko siya makausap nang maayos noong nagdi-dinner kami.

Seriously, what is going on with her? May nangyari ba noong nawala ako?

"Noo, I'mmm nooot yeeet druunk!" lasing na lasing na aniya at magtatangka pa sanang uminom.

Hinablot ko ang baso sa kaniya at inilayo 'yon sa pwesto niya. "You. Are. Drunk. Athena," madiin na sagot ko.

She stared at me for a second and pouted like a kid. Nakanguso siyang sumandal sa couch habang lasing na nakatitig sa lamesa.

"But I want to drink moreee," aniya pa at pinadyak ang paa.

"Stop already, Athena. Bumalik na nga tayo sa kwarto, pinapasakit mo ang ulo ko," naiiling na sambit ko at hinila siya palabas sa bar.

"Noooo! Who awre you? I don't even know youu!"

Nagpumiglas siya sa paghahawak ko sa kaniya. Thank God, we are inside the elevator at kami lang dalawa ang lulan nito, kaya naman wala kaming maaabala.

Gagi, biglang nagka-amnesia. Ganito ba kapag lasing? Buti na lang hindi ako umiinom. Hindi ko kasi bet lasa ng ibang alak eh, pero bet ko 'yong lasa no'ng wine.

"Shut up, Athena. Will you please behave? Huwag mo 'kong galitin kung ayaw mong iwan kita rito," naiinis na saad ko.

Bumadha ang takot sa mukha nito at ngayon para na siyang maamong tuta. Napanguso na naman siya bago tumigil sa pagpupumiglas sa akin.

"Okay..." parang batang aniya.

"Tara na, Athena. Don't shout, okay? Huwag mong istorbohin ang mga natutulog," paalala ko habang akay-akay siya papunta sa hotel room namin.

Nang makarating doon ay kaagad ko siyang dinala sa kwarto namin at inupo sa kama. Inalis ko ang suot niyang sandals pati na rin ang cardigan na suot niya.

"Can I pleash drink one more glash?" nakangusong tanong niya sa akin.

"No," I said with finality in my voice.

"Aww..." She sulked and pouted her lips more.

Tumayo ako at saka tumabi sa kaniya. Nanlulumong isinandal niya ang ulo sa akin.

"Why are suddenly like this, Athena? May nangyari ba noong nawala ako?" I whispered as I caressed her hair downwards.

I flinched when she suddenly rubbed her cheeks on my shoulder. She hid her face on the crook of my neck and let out a deep sigh as she wrapped her arms around my waist.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now