Chapter 36

994 48 6
                                    

Zehra Anais

Three days have passed and it's now Athena's birthday. Abala ang lahat sa paghahanda sa maliit na selebrasyon dito sa bahay ng magulang ni Athena, at mabuti na lang ay wala siya rito. Ang alam ko, magha-half day lang siya ngayon dahil may balak yata siyang puntahan mamaya.
Hindi ko alam kung saan, pero sinabihan ko naman siyang umuwi kaagad.

"Ate Ze, can you please stick these to another wall?"

Kylie handed me some party decorations. I smiled at her and took it from her. I walked to the other wall and started to stick the decorations on it. Rosegold and black ang naisip na theme ng kambal kaya ito ang binili nila. Maganda naman siya since ang eleganteng tingnan.

"Wow, it looks good!" sambit ni Mama na nasa likuran ko.

Napangiti ako sa tinuran ng nanay ni Athena kaya naman nilingon ko siya. Nakatingala siya nang kaunti at nakangiti ring tinitingnan ang mga dekorasyong nakadikit na sa pader. Nakasuot siya ngayon ng simpleng bestida na pinatungan ng kulay brown na apron. Siya nga pala ang nagprisintang magluluto ng kaunting handa ni Athena.

Well, kaunti nga ba? Napadaan kasi ako sa kusina kanina at nakita ang mga inilulutong pagkain ni Mama katulong ang mga cooks nila.  Mukha nga yatang buong barangay ang balak pakainin ni Mama dahil sa dami ng inihanda niya.

"I'm sure Athena will like it," dagdag pa ni Mama.

Maingat akong bumaba sa upuan at humarap sa kaniya. "Sa tingin ko rin po. Magugulat din siya kapag nakita lahat 'to," I exclaimed.

"Ngayon na lang ulit 'to nangyari pagkatapos ng ilang taon. You see, Athena doesn't want to celebrate her birthdays anymore ever since that person left her. I feel delighted knowing that Athena is finally coming back to her old self and of course, we are able to celebrate her birthday again." Nakatitig lang sa akin si Mama habang nagsasalita. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya. She suddenly took my hand and held it gently.

"I'm also thankful to have you, hija. I don't why.  But ever since you came here, Athena changed in a good way. You see, the Athena that I knew ever since she was a baby was gone. Maybe it's our fault that she become who she is right now. She's just being civil with her father right now, but I know deep down she still hates him for doing that to them," naiiyak na kwento ni Mama.

I frowned. "Ano po bang nangyari?"

"Let's just say that Athena is blaming her father for what happened between her and Cara. She thought may kinalaman ang tatay niya sa nangyari sa kanila ni Cara. But she's wrong, it's Cara's choice. Yes, my husband was against their relationship, but he never did anything to destroy their relationship. Ngayon, unti-unti na niyang natatanggap si Athena that's why the wedding between the both of you happened. At the end of the day, Athena is still our child and we love her," turan ni Mama.

Wala akong maisip na maisagot kaya naman tumango na lamang ako sa kaniya. Hindi rin naman nagtagal si Mama sa pakikipagkwentuhan sa akin dahil tinawag na siya ng kambal.

After prearing everything, we all decided to rest for a while. Dumiretso ako sa dating kwarto ni Athena rito sa bahay nila at doon muna magpapahinga. Nai-text ko na rin naman siya at sinabi niyang baka medyo ma-late siya ng uwi dahil may pupuntahan nga raw siya. Hindi naman niya sinabi kung saan kaya hinayaan ko na lang.

I stared at the white ceiling for a while and a thought suddenly pop into my mind. I've been thinking about this for a while now. Ang sabi ko kay Athena ito ang pinakahuling gusto kong mangyari pero ngayon, nagbago na ang isip ko. Ayoko munang isipin kung ano ang mangyayari sa future, gusto ko munang i-enjoy ang present. 

Isa pa, hindi ko rin maiwasang maalala si Amara. Napaka-cute na bata. Hindi ko rin maiwasang mainggit sa tuwing nakakakita ako ng isang masayang pamilya. Gusto ko ring maranasan 'yon. At kung papalarin man, I want to build a family with Athena. Gusto kong magising isang araw na sila kaagad ng magiging anak namin ang bubungad sa'kin.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now