Chapter 33

1.7K 76 28
                                    

Zehra Anais

Naalimpungatan ako sa walang tigil na pag-vibrate ng cellphone kong nasa ilalim ng unan ko. Ilang beses pa muna akong napapikit dahil sa maliwanag na sikat ng araw mula sa labas ng bintana.

Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan at nakakunot ang noo na sinagot ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller. Napapisil pa ako sa tungki ng ilong ko dahil sa biglang pagkirot ng ulo ko.

"Hello?" inaantok na tanong ko.

"Hi, Ate Zehra, good morning! Sorry If I disturbed your sleep!" masiglang bati ni Kaylee mula sa kabilang linya. Siya pala ang tumawag.

"Good morning din, Kay. Ayos lang. Bakit ka napatawag?" sagot ko bago hinawalay saglit ang cellphone sa tainga ko para tingnan kung anong oras na.

9:36 a.m.

"Ahm, can we meet you at the Cup-ple of Brews, ate? We want to talk to you about Ate Thena," sambit ni Kay.

"Okay, okay. Anong oras ba?" tanong ko.

"Ayos lang po ba if now na?" nag-aalangan na tanong ni Kay.

"Sure, sure. Mag-aayos lang ako," sagot ko.

"Okay, ate. We'll wait for you there. Take care po," ani Kay.

"Thanks. See you," sagot ko at ibinaba ang tawag.

Napabuntong hininga ako at saka bumangon sa pagkakahiga na pinagsisihan ko. Napaigik ako nang makaramdam ng sakit ng katawan kasabay ang pagkirot ng gitna ko.

Shit. Bakit ang hapdi?

"Aww..." daing ko at muling napahiga.

Nilingon ko ang katabi kong sobrang himbing ng pagkakatulog. I stared at her for a second before the realization hits me. I blushed as I reminisce what we did last night.

I freaking gave in. Tangina, ang rupok ko talaga.

Dahan-dahan akong bumangon ulit sa kama at tiniis ang sumasakit kong gitna. Natigilan pa ako nang makita ang nakakalat na mga damit namin sa sahig. Pinulot ko 'yon isa-isa at shinoot sa basket na nasa cr.

Ini-lock ko ang pinto at binuksan ang shower. Tinantiya ko pa ang temperatura ng tubig bago sumampa sa shower. The warm water somehow ease the pain that I'm feeling between my legs.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. I just wore a highwaisted brown wideleg pants and a white fitted turtleneck top. Nagsuot na rin ako ng puting sneakers at saka isinukbit ang itim na shoulder bag sa balikat ko.

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago naglakad papalapit kay Athena na tulog mantika pa rin. I bent down and gave her lips and forehead a light kiss before walking out of our room silently. Medyo mahapdi pa rin ang gitna ko pero hindi katulad kanina na sobrang hapdi.

Hindi ako marunong magmaneho ng kotse kaya naman naglakad na lang ako palabas ng subdivision. Hindi rin naman kami gano'n kalayo sa may entrada ng subdivision kaya mabilis akong nakalabas. Binati pa nga ako ni Mang Noel, ang naka-duty na guard ngayong umaga. Siya na rin ang nagtawag ng taxi para sa'kin papunta sa coffee shop na sinabi ni Kay.

"Thank you po, ma'am," sagot ni Manong Driver nang maiabot ko sa kaniya ang bayad at makababa sa taxi. Ngumiti lang ako sa kaniya at saka tumalikod.

Naglakad ako papasok sa coffee shop at mula pa lang sa entrance ay natanawan ko na kaagad ang kambal kasama si... Aleza? Anong ginagawa niya rito? Ang alam ko nasa Paris 'to eh.

"Ate Ze!" the twins exclaimed as soon as they saw me walking toward them.

"Hi," nakangiting bati ko sa kanila at naupo sa tabi ni Aleza.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now