Chapter 23

1.1K 51 5
                                    

Zehra Anais

Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok nang makarinig ng dalawang katok mula sa pinto. Lumingon ako rito at nakita ang pagdungaw ni Kaylee mula sa hamba ng pinto. Kaagad ko naman siyang nginitian na ginantihan niya rin nang ngiti.

"Are you done, Ate Zehra?" tanong niya at saka tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ni Athena.

Nakasuot ito ngayon ng faded jeans na tinernuhan niya ng pang-itaas na purple sweater. Nakasuot siya ng itim na timberland boots at nakasabit naman sa kaliwang braso niya ang puting wintercoat niya. Naupo siya sa higaan at nakangiting tumingin sa akin.

"Patapos na, Kay. Paalis na ba tayo?" tanong ko, at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok ko.

"It's okay, ate. Take your time, hindi naman po tayo nagmamadali," sagot niya.

Pupunta nga pala kami sa tiyahin nilang magkakapatid. Hindi ko alam ang pangalan pero nag-iisa at nakababatang kapatid ito ni Mrs. Louisa. Siya rin siguro ang nabanggit ni Athena na nag-alaga sa kaniya noong dito pa siya nakatira.

Hindi pa nga kami nakakaalis pero namamawis na kaagad ang kamay ko sa kaba.

Nang matapos akong mag-ayos ay sabay kaming bumaba ni Kaylee. Nakakatuwa nga dahil dinaldal at hinintay pa ako nito. I somehow feel relieved when Kaylee told me about their aunt.

Nakahanda na sila Faith nang madatnan namin sila sa baba. Lahat kami ay balot na balot dahil sa malamig na klima kaya nga hindi na rin sumama ang mga tanders dahil baka hindi nila kayanin ang lamig.

"Are you guys ready? Stephen is already waiting outside," tanong ni Athena na tinanguan naming lahat.

Halos patakbo kaming pumunta sa van at muntik nang mag-unahan sa pagpasok sa loob dahil sa biglaang paghangin nang malakas. Ang sakit niya sa balat at talaga namang manginginig ka. Napagtanto ko ring para lang talaga sa klima sa Pilipinas ang katawan ko.

"The heater is open," anunsyo ni Stephen.

"Thanks, God!" we rejoiced.

____

Isa't-kalahating oras ang binyahe namin bago makarating dito sa exclusive subdivision kung saan nakatira ang tiyahin nila Athena. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga malalaking bahay na nadaraanan namin.

Maya-maya lang ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang magarbong bahay. Wala itong gate kaya dumiretso na papasok sa loob ang sasakyan namin. Mukha rin namang kilala na ng may-ari kung sino ang lulan nito.

Nagtakbuhan ang lahat ng kasama namin papasok sa loob ng bahay dahil nakabukas naman ang front door nito. Hanep, mukhang mataas ang seguridad dito sa subdivision na 'to dahil iniiwan lang nilang bukas ang pinto nila. Naiwan naman ako sa loob kasama si Stephen, habang si Athena naman ay nasa harap ko at hinihintay akong lumabas.

"Why are you still here? Tara na sa loob." Pag-anyaya sa akin ni Athena.

Kaagad naman akong umiling. Hindi ko na talaga kaya ang lamig. Mabuti nga sila, nakakayanan nila dahil madalas silang mag-out of town. Paano naman akong buong buhay nasa tropical country?

"Here, wear this."

She handed me a black knitted scarf. Napatingin ako sa kaniya at naalala ang nangyari kagabi. Hindi ko maiwasang mamula dahil bigla na lamang pumasok sa utak ko ang itsura niya kagabi. Buti na lang at walang nangyaring kababalaghan.

"Paano ka?" I asked, worried.

"Don't mind me. I can withstand the cold. Wrap this around you neck and here." Inabutan niya ako ng dalawang heat pack na kaagad kong kinuha at nagpasalamat sa kaniya. Ipinasok ko sa magkabilang bulsa ang heat pack at doon isinuksok ang kamay ko. Si Athena na rin ang naglagay ng scarf na hawak niya sa leeg ko, natatakpan ang kalahati ng mukha ko.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now