Chapter 10

1.2K 62 3
                                    

Zehra Anais

"Uy! Zehra Anais Lorenzo Diaz to earth!?" sigaw ni Faith mismo sa tapat ng tainga ko, dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Ouch, ha? Grabe ang sigaw mo, Faith, para kang nakalunok ng mikropono! 'Tska, bakit ka ba naninigaw? Nandito lang ako, oh, katabi mo," tanong ko.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng mall ngayon, kumakain ng ice cream na binili namin habang nakaupo sa isang tabi. Kanina pa kami palakad-lakad at sumasakit na rin ang talampakan namin pareho pero wala namang kaming maisip na bilhin. Sobrang dami kasing stalls at bilihan ng mga gamit dito.

Galing din kami sa coffee shop na pinuntahan namin dati bago pumunta rito sa mall. Syempre, nilibre niya ako ro'n kaya dinamihan ko pagkain dahil hindi ako nakapag-umagahan.

"Kasi naman, Zehra, kinakausap kita pero nakatitig ka lang sa kawalan habang kinakain 'yang ice cream mo. Feeling ko tuloy, istatwa ang kausap ko," aniya bago ako pabirong sinabunutan.

"Sorry naman 'no," sambit ko sa kaniya bago inagaw ang buhok kong hawak-hawak niya.

"Ewan ko sa'yo, Zehra. Ngayon na nga lang tayo nagkausap, hindi mo pa 'ko pinapansin," nagtatampong aniya. "Ano ba kasi 'yang iniisip mo? Pwede bang i-share mo naman?" dagdag niya pa na ikinatawa ko. Chismosa talaga.

"Ano lang... iniisip ko lang 'yong tungkol sa nangyari kanina. Galit sa'kin ang amo ko, hehehe," sambit ko bago mahinang humagikgik.

Kasi naman, hindi ko malimutan 'yong itsura ng amo ko kanina. 'Yong itsura kasi niya ay para bang nakakita siya ng multo, gano'n. Hindi lang 'yon, hindi ko rin maiwasang maalala kung paano siya mag-panic kanina. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, kung tatayo ba siya o hindi. Muntik pa nga siyang mahulog sa kama dahil sa sobrang pagpa-panic niya.

"Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni Faith at inilapit sa akin ang mukha niya.

Napangiti ako sa kaniya. "Hehe, secret! Bawal sabihin!" sambit ko, dahilan para hampasin ako nito sa balikat.  

Napasimangot naman siya bago hinampas ulit sa braso. "Ewan ko sa'yo, Zehra! Tara na nga, mamili na lang tayo! Ayaw mo naman akong kwentuhan," aniya bago hinila patayo mula sa pagkakaupo namin sa bench.

Hanggang sa makarating kami sa department store ay hila-hila niya pa rin ako. Syempre nagpapabigat ako, dahilan para magreklamo siya habang hila-hila ako.

"Ano ba gagawin natin dito? Mamimili ng mga damit?" tanong ko nang nakapasok kami sa department store.

She nodded at me twice. "Yes, you're right! We're going to buy some clothes and some other things!" excited na aniya.

"Okay, pero h'wag mamahalin, ha? Unang sweldo ko 'to, ayaw ko ubusin. Nag-iipon ako, Faith, h'wag mo 'ko demonyohin," sambit ko.

Bago umalis kanina si Ma'am Athena papunta sa trabaho niya ay inabot niya sa akin ang envelope na may lamang twenty thousand sa loob. Nagulat pa nga 'ko kasi ang laki ng ibinigay niyang sweldo ko. Sa pagkakaalam ko kasi nasa minimum of five thousand ang sweldo ng mga maid o kasambahay. Swerte ko naman, hehe.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, nagulat lang talaga. Siguro dahil ako lang 'yong nag-iisa niyang maid kaya gano'n kalaki ang sweldo ko. Thankful naman ako na malaki ang sweldong ibinigay niya sa akin kahit na gumawa ako ng kalokohan sa kaniya kaninang umaga, hehe. 

Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa nang mahina habang inaalala ang nakasimangot niyang mukha nang iniabot niya sa akin ang envelope. Nakatitig din siya ng masama sa akin kanina, 'yong titig ba na para ka niyang paulit-ulit na sinasaksak sa isip niya gano'n.

"Hoy, Zehra, alam mo, kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tao. Para kang baliw, tumatawa ka mag-isa riyan," ani Faith na nagpabalik sa akin sa sarili. "Tabi ka nga r'yan, kunwari hindi kita kilala. Wala akong kaibigang baliw at bigla-bigla na lang tumatawa mag-isa," pabirong dagdag pa niya bago bumalik sa pagtitingin-tingin ng mga damit.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now