Chapter 29

1.1K 49 1
                                    

Zehra Anais

Kaagad kaming sinalubong ng mga staffs ng resort at ng ibang empleyado nang makababa kami sa mamahaling yate. Isa-isa ring kinuha ng mga staffs ang mga gamit namin upang dalhin sa mga kwarto namin.

Nilibot ko ang tingin sa napakagandang isla. Napapalibutan kami ng mala gatas na buhangin, matataas na puno ng niyog, nakahilerang makukulay na mga payong, at sobrang linaw na tubig dagat.

Inalalayan ako ng isang babaeng staff na makababa sa buhangin. Hindi ko naman maiwasang mamangha nang makaapak sa buhangin. Pinong-pino ito, ang sarap tapakan. Napahawak ako sa suot na puting sumbrero nang biglang sumalubong ang napakasariwang hangin.

"It's so nice to have you here in our resort, Mrs. Athena and Zehra Sinclaire," ani sa amin ng isang lalaki. Nakasuot ito ng kulay puting polo na tinernuhan ng khaki shorts. May name tag na nakasabit sa bandang dibdib nito kung saan nakalagay ang pangalan niyang Patrick at siya pala ang nagma-manage ng resort na ito.

"We're also glad to be here. It's been years since I came here. How's the owner? I'm expecting her to be here," sagot ni Athena na nasa tabi ko na pala at nakikipagkamay sa lalaking nasa harapan namin.

"She's currently in Italy, Mrs. Sinclaire, attending an important meeting. But don't worry, she informed us that she's going to come back tomorrow," sagot naman sa kaniya ni Patrick.

"That's great! I can't wait to see her again," sambit naman ni Athena.

Ngumiti naman sa amin ang manager. Natapos din ang pag-uusap nila tungkol sa may-ari nitong resort. Sinamahan din kami ni Patrick papunta sa magiging kwarto namin, habang nakasunod sa amin ang isang bellboy na tulak-tulak ang isang parang cart kung saan nakalagay ang dala naming gamit.

"Wow..." I mumbled as soon as we got inside our room.

Bumungad sa amin ang napakaluwag na living room at kitchen. Sa harap ng living room ay mayroong malaking floor-to-ceiling na bintana kung saan tanaw na tanaw ang napakalinaw na tubig dagat. Mayroong dalawang malaking kwarto at  malaking cr na kakasya yata ang limang tao. Napakalaki nitong suite, kasya yata ang isa o dalawang pamilya. Bakit naman ganito kalaki ang kwarto namin? Sobra ito para sa dalawang tao.

"The owner personally choose this room for the both of you. We'll go now, Mrs. Sinclaire. You can call us if you need anything. Enjoy your stay," nakangiting sambit ni Patrick bago lumabas sa hotel room kasabay ang bell boy.

Nang makalabas silang dalawa, tila may dumaang anghel sa sobrang katahimikan. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Matapos ang pangyayaring 'yon sa loob ng cabin ay hindi kami nagpansinan. Sobrang awkward tuloy ng atmosphere sa loob ng kwarto.

Kaagad naman akong dumiretso sa malaking bintana at tinanaw ang dagat mula sa kwarto. Hindi ko mapigilang mamangha. Kitang-kita ko mula rito sa itaas ang mga taong lumalangoy sa tubig, pati na rin ang iba na nakasakay sa isang motor na umaandar sa ibabaw ng tubig. Meron ding mga nakasakay sa isang banana boat.

Natigil ako sa panonood nang magsalita si Athena mula sa likuran ko. "Zehra, let's go downstairs, the foods are ready."

"Gano'n ba? Sige," sagot ko at sumunod sa kaniya palabas ng kwarto.

Tahimik lamang kaming dalawa sa loob ng elevator. Kaming dalawa lang ang kasalukuyang nandito dahil mukhang nasa ibaba na lahat para sa pagkain. Tanghali na rin kasi nang makarating kami kaya sakto sa tanghalian.

Hanggang sa makarating sa isang kainan kung nasaan sila ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Kaagad naman nila kaming sinalubong. Natanawan ni Athena ang isang nakatalikod na lalaki na nakaupo sa isa sa mga lamesa, abala sa pagkain kaya naman doon kamk dumiretso.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now