Chapter 11

1.1K 62 10
                                    

Third Person's POV

["No husband, no whole company. 'Yan ang napag-usapan natin, remember? I will give you a week to find a spouse. Kapag wala pa rin, then say goodbye to the company. And oh, ipakilala mo rin siya amin, okay? Take care, anak. Hihintayin ko kayo ng magiging asawa mo."]

Hindi na naka-angal pa si Athena sa ama nang bigla na lang nitong pinatay ang tawag. Napatanga na lang siya at hindi alam ang sasabihin. What the hell? She only have a week to find a husband.

And a husband? Tsk. Hindi husband ang hahanapin niya, but a wife. She's a lesbian for pete's sake. So bakit husband ang hahanapin niya? She's not into guys. Most of them are just a trash who loves playing with women's feelings.

Napamasahe ulit si Athena sa kaniyang sentido bago pabagsak na napasandal sa kaniyang swivel chair. Isang linggo na lang ang meron siya para makahanap ng asawa. At kapag nagawa niya 'yon, the whole company will finally be in her hands.

Pero sino? Si Tiara? No, she's excluded. She doesn't want to hurt her anymore. How about Aleza? No, that woman is not her type, ang maldita. How about her ex-girlfriend? Tsk. But her ex-girlfriend was the one who suddenly left her without saying anything when she asked her hand for a marriage.

"I remembered her again..." Athena mumbled to herself as she remembered her ex-girlfriend.

Kaagad niya rin namang pinalis sa isipan ang dating nobya. Now is not the right time para mag-reminisce ng masakit na nakaraan. Napapikit na lang si Athena dahil sa wala na itong maisip. Sino?

This is giving me a massive headache.

Athena really wants the whole company. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring tiwala ang board members sa kaniya kahit na ilang beses na niyang napatunayan na deserving talaga na mapunta sa kaniya ang posisyon na CEO ng Sinclaire Pharmaceutical Company. Ang sabi pa ng isang board member sa kaniya ay maniniwala lang daw sila sa kakayahan nito kapag tuluyan nang napasa-kaniya ang buong company at syempre, kapag may asawa na siya.

Ano ba kasing connect ng pag-aasawa sa pagma-manage ng kompanya? Nakakainis na sila. Palibhasa't majority ng board members ay lalaki kaya naman gano'n na lang ang pagmamaliit sa kaniya.

Those annoying board members. Kung hindi lang sila importante at may silbi sa kompanya niya ay matagal na niyang pinatalsik ang mga ito.

'Ayaw lang talaga nilang mapunta sa akin ang company.' Sa isip ni Athena.

Nasa ganoong posisyon si Athena nang pumasok ang sekretarya niya. Naglakad papalapit ang sekretarya niya sa kaniya, dala-dala nito ang pinatimpla niyang kape.

"Your coffee, ma'am," sambit nito bago inilapag ang kape sa lamesa niya.

"Thanks, Patrice. You may now go," sambit ni Athena sa sekretarya.

Ngumiti naman at tumango ang sekretarya niya sa kaniya at nagpaalam muna bago tuluyang naglakad papalabas ng office niya.

Nang tuluyan na itong makalabas, kinuha ni Athena ang mug na may lamang kape at humarap ulit sa napakalaking bintana ng office niya. Napatitig na lang siya sa kawalan habang sumisimsim ng kape. Iniisip pa rin niya kung sino o kung paano siya makakahanap ng asawa.

Should she ask for Aleza's help? That woman knows a lot of people. Ayaw naman niyang malaman o makita kung sino ang mga taong napili ng ama niya para sa kaniya, dahil paniguradong puro mga lalaki lang ito. Her father knows that she's a lesbian, pero patuloy pa rin siya na ipinipilit ng ama niya sa mga lalaki.

Her father is such a pain in the ass.

Athena heaved a deep sigh and closed her eyes tightly. "I didn't know that finding a spouse would be this hard," she mumbled to herself before sipping from her mug again.

Loveless MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon