Chapter 26

1K 45 2
                                    

Three months have passed since the wedding.

Zehra Anais

Kasalukuyan akong nakaupo sa may gilid ng pool, umiinom ng ginawa kong mango smoothie at nagmumuni nang marinig ko ang nakakabinging boses ng kaibigan kong ilang araw ng hindi nagpaparamdam sa akin.

"Zehra, my friend!"

Napalingon ako sa direksyon niya at nakita siyang nakatayo sa may gate habang kumakaway sa akin. Imbis na kumaway pabalik ay inirapan ko lamang ito at saka inabala ang sarili ko sa pagtatampisaw sa pool. Anong akala niya, papansinin ko siya? Ha, neknek niya. Ilang buwan siyang hindi nagparamdam sa akin pagkatapos ng kasal tapos bigla-bigla na lang siyang susulpot dito na parang kabute?

"Uy, pansinin mo naman ako. Hindi mo man lang ba na-appreciate ang effort kong bisitahin ka rito sa bahay niyo ng asawa mo?" pangungulit ni Faith na nasa gilid ko na pala.

"Mas ma-a-appreciate ko siguro kung nagparamdam ka sa akin noong mga nakaraang buwan. Ano bang ginagawa mo rito? At talagang nagpakita ka pa ha? Mahigit apat na buwan kang walang paramdam," sagot ko na may himig na pagtatampo ang boses.

Kamuntikan pa akong mahulog sa pool nang bigla akong dinamba ni Faith nang yakap. Gaga talaga 'tong babaeng 'to kahit kailan. Kapag talaga natuluyan ako rito isasama ko siya.

"Letse ka! Kamuntikan na 'kong mahulog sa pool!" singhal ko sa kaniya.

"Eh, sorry na, Zehra! Sorry na kung hindi ako nakapagparamdam ng mahigit apat na buwan. May ano kasi... may inasikaso ako kaya hindi kita na-contact pagbalik dito sa Pilipinas. Nag-resign na rin ako sa trabaho ro'n sa terminal tapos nag-start nang magtrabaho sa company ni Kuya Dex," paliwanag niya hawak nakayakap pa rin sa akin.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya, inoobserbahan ang ekspresyon niya. Napansin ko ang medyo pag-iwas niya sa tingin ko kaya napagtanto kong may hindi totoo sa sinabi niya.

"Talaga lang, ha? Ano ba 'yang inasikaso mo bukod sa pagtatrabaho kay Kuya Dex at bakit parang wala kang time makipag-usap sa iba? Hinanap kita kila Tita Jace pero hindi rin nila alam kung nasaan ka. 'Yong totoo, saan ka nanggaling?" pag-usisa ko.

"A-ano... basta, Zehra. Hindi naman importante 'yon, hehe," aniya at pekeng tumawa.

"Okay, kung ayaw mo sabihin, edi don't—"

Natigil ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang naiinis na sumigaw. Nagliparan nga ang mga ibong nakadapo sa may poste ng kuryente dahil sa sigaw niya. Buti na lang at medyo malayo ang pagitan ng mga bahay rito kaya hindi kami makakaabala masyado.

Napatakip pa siya sa mukha niyang namumula na pala. Nagpapadyak pa ito ng paa sa pool kaya naman medyo natalsikan ako ng tubig. Ano bang nangyayari rito? Nasapian ba siya?

"Nababaliw ka na ba? Itigil mo nga 'yan! Kakaligo ko lang, babasain mo agad ako!" singhal ko sa kaniya.

Itinigil naman niya ang ginagawa. Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa mukha niya at humarap sa akin. Dahil nga mestiza itong si Faith, halatang-halata ang namumulang mukha niya.

"M-may nakakuha na ng perlas ng silanganan ko, Zehra!" she yelled.

I was too stunned to speak with what my friend revealed. Tama ba ang narinig ko?

"Ano? Paki-ulit nga, Faith. Mali yata ang narinig ko," wala sa sariling sambit ko.

"Nalusob na ang Bataan!" pag-uulit niya.

"Girl, what? Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko nang ma-realize kung ano ang sinabi niya.

"Do I look like I'm joking? I'm serious, babe!" she hissed.

Loveless MarriageΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα