Chapter 30

1.2K 58 11
                                    

Zehra Anais

"How do you feel right now? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Athena nang makalapit sa akin.

Kabababa ko lang galing sa hotel room namin at natagpuan ko silang nagkakasiyahan kasama ang ibang mga empleyado niya. They are playing some kind of game. Ang iba naman ay abala sa ibang activities dito sa isla at naliligo na sa dagat.

"Okay na 'ko. Tulog lang talaga ang solusyon," natatawang sagot ko.

"You sure?" paninigurado niya kaya tumango ako.

"Pwede bang maglakad-lakad muna ako rito sa isla? Hindi naman ako lalayo. Gusto ko lang maglibot saglit, hehe," nahihiyang tanong ko.

"Yeah, sure. Do you want me to come with you?"

Umiling ako at napatingin sa mga kasama namin. "Huwag na, naglalaro kayo eh. Diyan lang naman ako sa tabi-tabi. Babalik din ako kaagad."

Wala na itong nagawa kun'di ang pumayag sa tinuran ko. Hindi rin siya makakaalis dahil kasali rin pala siya sa mga naglalaro. Mukha namang natutuwa ang mga kasama namin dahil nakikihalubilo ang boss nila sa kanila.

Nagsimula na akong maglakad-lakad sa gilid ng dagat, hawak-hawak ang tsinelas ko. Palingon-lingon ako sa paligid dahil talaga namang napakaganda ng bawat sulok ng isla. Mabubusog ang mga mata mo sa napakagandang tanawin, idagdag mo pa ang pino at puting buhangin na sobrang sarap apakan.

Napatigil ako nang makahanap ng magandang pwesto. Ibinaba ko ang tsinelas ko sa buhangin at inupuan iyon. Inayos ko ang suot kong bestida at inipit iyon sa likod ng binti ko bago ko niyakap ang binti ko. Inabala ko ang sarili sa paninood ang pag-hampas ng mahinang alon nang may maramdaman akong umupo sa gilid ko.

Hindi ko ito pinansin at nanataling nakatingin sa mala-salamin na dagat. Grabe, nakaka-relax panoorin ang paghampas ng alon. Para tuloy gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko.

"It feels good to see someone having fun while staring at the sea," the person beside me said. Her voice is somehow familiar to me.

"Yeah, it's therapeutic," I answered as I hugged my knees tighter.

"That's good to know. What's your name?"

Humarap ako sa katabi ko. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakasuot ito ng sunglasses at isang beach hat. I also noticed that she's wearing a neon green swimsuit. Ang sexy niya.

"I'm Zehra," I replied.

"Your name's familiar to me. I'm Carmeline Ranayih, by the way," she said and offered me a handshake which I accepted.

She then, removed her sungglasses and looked at me. Doon ko na siya napamilyaran. Siya! Siya 'yong babaeng nakabanggaan ko sa Canada! Oh, my god. Anong ginagawa niya rito?

"Ikaw 'yon..." bulong ko na narinig niya.

"What do you mean by ako 'yon?"

"Ikaw 'yong nakabanggaan ko sa Canada, sa may garden," sagot ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin, tila inaalala ang pagkikita namin three months ago sa Canada. Nanlaki ang mata niya nang tuluyan akong makilala.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now