Chapter 21

1K 55 5
                                    

Zehra Anais

Naalimpungatan ako nang makarinig ng ilang katok sa pinto. I yawned and was about to get up when I felt something heavy on my stomach. Napatingin ako rito at nakita ang isang braso na nakadantay sa akin.

Nakakunot ang noo na lumingon ako sa may-ari nito at nakita sa tabi ko ang mahimbing na natutulog na si Athena. She's sleeping soundly and peacefully. Grabe, kahit natutulog napakaganda pa rin. Paano naman akong mukhang ano kapag natutulog?

Nasaan ang hustisya?

Mukha ring binuhat niya ako papunta rito sa kwarto dahil alangan namang bigla akong nag-teleport dito sa loob ng kwarto 'di ba? Buti nga't nakaya niya akong buhatin, ang bigat-bigat ko kaya.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa akin at ipinalit sa pwesto ko ang unan na gamit ko para hindi siya magising. Dumiretso ako sa pinto upang pagbuksan ang maid na kanina pa kumakatok.

Sumaglit lang pala ito rito para sabihan kaming darating na ngayon ang tutulong sa amin sa pagpe-prepare sa kasal. Umalis din siya kaagad matapos akong sabihan.

Ginawa ko naman ang morning routine ko bago gisingin si Athena. Nahirapan pa akong gisingin siya dahil tulog-mantika talaga siya. Kung hindi ko lang siya wiwisikan ng malamig na tubig ay hindi pa siya magigising.

"Really? They're going here this early? I'm still sleepy, pwede bang mamaya na lang?" reklamo niya habang naglalakad papasok sa loob ng banyo para mag-ayos.

Magkasabay na bumaba kami ni Athena matapos naming mag-ayos. The maids that are busy cleaning greeted us with a smile. Bumati kami pabalik sa kanila bago dumiretso sa silid-kainan, kung saan nakaupo na ang pamilya ni Athena.

"Oh! Good morning. You guys are finally awake. Come, sit," bati sa amin ni Mrs. Sinclaire nang makaupo kami sa harap nila.

"Magandang umaga rin ho sa inyo," bati ko pabalik sa kanila.

"Good morning, Mom, Dad, Kaylee, and Kylie," bati ni Athena sa magulang at dalawang kapatid niya.

The twins greeted us back, while her father just gave us a slight nod as an answer. Hindi nito tinatanggal ang tingin sa hawak niyang newspaper.

"Go, eat. Your wedding organizer will be here anytime soon," sambit ni Mrs. Sinclaire.

Napatingin ako sa ibabaw ng lamesa at muntik na mapanganga nang makita kung gaano kadami ang pagkain na nakahanda rito. May medyo kulay brown na hotdog, bacon, sunny side-up egg, tatlong klase ng tinapay na may katabing mga palaman na nakalagay sa isang babasagin at transparent na lalagyan, pancake, at iba pa.

Fiesta yata itong napuntahan ko.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at nagsimula nang kumain. Masasarap ang mga nakahandang pagkain sa hapag na hinding-hindi ko matatanggihan. Food is life mga bhie.

____

"Hi, I'm Felicity Jimenez, your wedding organizer. I will be the one who will help you in preparing your wedding," pagpapakilala niya sa sarili.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.She's wearing a red blouse and a black pencil skirt. May bitbit siyang itim na handbag sa kaliwang kamay, habang ang kanang kamay niya naman ay yakap-yakap ang ilang clipboard at mga papel.

Maganda siya, pero mas maganda itong katabi ko.

"Nice to meet you, Felicity. I'm Athena, and this is my soon-to-be wife, Zehra," ani Athena bago nakipag-handshake rito.

"Hi, nice to meet you," sambit ko at nakipag-handshake rin sa kaniya.

The lady smiled at us. "What a lovely couple. It's so nice to meet the both of you."

Loveless MarriageOnde histórias criam vida. Descubra agora