Chapter 12

1K 60 10
                                    

Zehra Anais

"Ma'am Athena? Ano ho ba 'yon? Kagabi pa kayo ganiyan, ha? Ang weird niyo. Sinapian ba kayo ng engkan-"

"I'm firing you, Zehra," putol niya sa sasabihin ko.

Napanganga at napatulala ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. My heart started to beat so fast as if I'm running away from a group bulls that are catching me. B-Bakit? B-Bakit niya 'ko tatanggalin? Is this because of what I did to her yesterday?

"W-Wait, ma'am... B-bakit ho? B-bakit niyo ho ako tanggalin?" I stuttered.

Naramdaman kong parang maluluha ako dahil bigla na lang sumakit ang ilong ko, kaya napasinghot ako ng malalim upang umurong at pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Dumadagundong din ang dibdib ko sa kaba, parang nahihirapan akong huminga.

She heaved a long, deep sigh before looking at me.

"I'm sorry, but not because of that, Zehra," sambit niya lang.

"E-Eh, ano h-ho ang dahilan, ma'am?" Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko. "Sabihin niyo po sa'kin 'yong dahilan, ma'am. Willing naman ho a-akong h-humingi ng tawad sa mga m-maling n-nagawa ko. P-Pwede niyo 'kong pahirapan, h'wag n'yo lang ho a-akong tanggalin sa trabaho," nakatungong pagmamakaawa ko sa kaniya.

Napapikit ako at mahigpit na napakapit sa laylayan ng suot kong damit. Isang buwan pa nga lang ako rito tapos tatanggalin na 'ko. Hindi pa nga sapat 'yong perang naipon ko, eh. Mukhang kakailanganin ko ulit ng tulong ni Faith para makahanap ng panibagong trabaho.

"O-Oh, ahm, it's not like that, okay? It's just..." bitin na aniya, mukhang nag-aalangan siyang sabihin 'yon sa akin.

Hindi ko na napigilan at napaluha na lang ako. Mukhang napansin niya 'yon, dahilan para mag-panic ito mula sa kinau-upuan. Wala akong pakialam kung ang pangit kong umiyak, basta ang importante, hindi niya 'ko tanggalin sa trabaho.

"Oh, my gosh. Are you crying?" tanong niya.

Masama akong napatingin sa kaniya habang lumuluha. "Hindi pa ba obvious, ma'am? Ano gusto niyo, dugo ang iluha ko para kitang-kita mo na umiiyak ako, gano'n?"

Hindi ko tuloy maiwasang magsungit sa kaniya. Halata namang lumuluha ako tapos magtatanong siya ng gano'n? Anong tingin niya sa nilalabas ng mata ko, pawis?

"I-I'm sorry, okay? But it's not like that. That's not the reason why I wanted to fire you," sambit niya.

"Bakit kasi hindi niyo pa sabihin? Ano, pa-suspense kayo gano'n? Masyado niyo 'kong binibitin, eh. Wala tayo sa teleserye, ma'am! Ayan tuloy, kung ano-ano na ang naiisip kong dahilan!" bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko na napigilan pa dahil naiinis na ako nang bongga.

"Bakit niyo ba kasi ako gustong tanggalin, ma'am? Sabihin niyo na kasi para hindi kung ano-anong dahilan 'yong naiisip ko," dagdag ko pa habang kinukusot-kusot ng mata ko ng patuloy pa rin sa pagluha.

"I don't want you to be my maid anymore, Zehra. That is because I want you marry me and be my wife," seryosong aniya, dahilan para mapa-urong ang luha ko.

I stared at her and blink for five times. Natahimik kami pareho at walang ni isa ang nagsasalita sa amin. Parang natutop ang dila naming dalawa. Ano raw? Tama ba ang dinig ko? Pakiramdam ko ay nabingi ako dahil sa sinabi niya. Kakalinis ko lang naman ng tainga. Mukhang kailangan ko ng magpatingin sa doktor dahil mali-mali na ang naririnig ko.

Me? She wants me to marry her?

"Hahaha! Ma'am Athena naman! Hindi magandang biro 'yan! Ako? Gusto mong pakasalan kita? Hahaha! Alam mo, ma'am? Gutom ka lang. Dapat kasi ay nag-uumagahan ka! Halika nga, at ipagluluto ulit kita!" sambit ko habang tumawa ng alanganin.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now