Chapter 43

427 28 3
                                    

Zehra Anais

"Oh, my gosh. It's so nice to see you again," aniya bago lumapit sa akin. Muntik na niya akong yakapin nang mapansin niya ang tiyan ko. 

I'm just wearing a lilac floral spaghetti strap dress na umaabot hanggang sa ilalim ng tuhod ko. Pinatungan ko lang ito ng puting longsleeve polo na nakuha ko pa sa wardrobe ni Athena. Wala lang, gusto ko lang siya isuot kasi nami-miss ko na siya. Buti na lang at nakakapit ang amoy ni Athena rito sa damit niya. 

Napansin ko ang panlalaki ng mata niya na para bang nasurpresa siya sa nakita. Eh 'di surprise? Should I throw some confetti in front of her?

Eme lang.

"You're pregnant!?" she exclaimed while pointing at my belly.

Hala, 'te. Hindi pa ba obvious? Char.

"Yes?" wala na sariling sagot ko.

"Oh, my! Congratulations, Zehra!" she exclaimed and hugged my lightly.

Napangiti naman ako. "Thank you."

"What are you doing here? Where's your other half?" tanong niya bago inilibot ang tingin sa paligid.

"She's not here," may halong lungkot sa boses na sagot ko rito.

Tila napansin naman nito ang tono ng boses ko kaya parang may simpatya itong tumingin sa akin.

"Oh, I'm sorry. How insensitive of me," malungkot din aniya bago ako niyakap muli saglit.

Hinayaan ko na lang ito at sinabing okay lang. Nalulungkot naman talaga ako kasi nami-miss ko na si Athena. Nami-miss na namin siya ni Sinag.

Si Sinag ang nasa tiyan ko ngayon. Sinag ang tawag ko sa kanya kasi tinatamad pa 'ko mag-isip nang cute na nickname para sa kaniya. Hindi pa rin namin alam ang gender niya kasi ayaw namin malaman ni Athena, gusto kasi namin ma-challenge at ma-surprise kapag nilabas na 'tong bulinggit sa tiyan ko. Pero nagpapa-check-up naman kami to make sure na walang complications sa pregnancy ko, lalo na kay baby.

Magsasalita sana ako nang tawagin ako ni Faith na nasa cashier na pala.

"Zehra Anais Diaz-Sinclaire!" sigaw niya sa buong pangalan ko na nakaani sa atensyon ng mga mamimili. Sabay pa kaming lumingon ni Carmeline sa pwesto nito.

Parang gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa pasigaw niya sa buong pangalan ko. Parang ewan naman, eh. Nakakahiya, beh.

Nahihiyang nagbalik ako nang tingin kay Carmeline na ngayon ay bumalik ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. Medyo nakanganga pa ito dahil siguro sa gulat.

"Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko," mahinang sambit ko.

Kaagad naman siyang bumalik sa sarili nang marinig ako. She immediately gave me a small smile and answered, "Oh, no, it's okay."

"Ah, sige. Aalis na kami. It's also nice to see you again, Carmeline. See you around?" sambit ko.

"Y-yes, see you around, Zehra," aniya bago ngumiti. "I didn't know that she's fvcking married," dagdag niya pa na hindi ko masyado narinig pero bakas ang inis sa tono niya.

Hindi ko na iyon pinansin. Ngumiti ako pabalik bago mabilis na lumapit kay Faith at tahimik na inabot sa kaniya ang nutriboost na hawak ko. Nakatungo lang ako dahil ramdam ko pa rin ang ilang tingin ng mga namimili dahil hindi pa sila nakaka-move on sa pagsigaw ni Faith sa buong pangalan ko.

Ang pashnea na ito talaga, walang sinasanto. Parang gusto ko siyang ipako sa krus ngayon din dahil sa ginawa niya. Anak talaga siya ng tupa.

___

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now