Chapter 39

455 24 4
                                    

Zehra Anais

Kinabukasan, ipinaalam kaagad namin sa mga tao sa bahay ang balak namin ni Athena habang kumakain ng umagahan. They were all surprised and happy after knowing that we are finally planning to have a child. Nangunguna pa ang reaksyon ni Faith na akala mong nanay ko dahil  sa pagiging hysterical niya. Paulit-ulit niyang tinatanong sa akin kung sigurado ba raw ako sa desisyon ko. Hindi ko na alam ang gagawin sa babaeng 'to. 

Naririnig ko ang excited na boses ng pamilya ni Athena. Pinag-uusapan na kaagad nila ang mga ibibigay nilang gamit at regalo para sa baby. Narinig ko pa ang pustahan ng kambal kung ano ang magiging sex ng baby na ikinailing ko na lamang. Athena's mother even ask me kung kailan daw ba namin balak magpa-check up. Sinabi naman ni Athena na nakapagpa-schedule na siya ng check up for us. 

"Are you really sure about building a family with Athena?" tanong ni Faith. 

Nilingon ko siya habang sumisimsim ng inumin na in-order ko. Medyo nanlaki pa ang mata ko pagkatapos tikman ang Spanish Latte na in-order ko. Swak siya sa panlasa ko. Rate ko siya ng nine out of ten.  

"Ano ulit?" ani ko. 

"Kung sigurado ka ba kako sa desisyon mo?" ulit niya. 

"Hmm? Oo naman," sagot ko. 

"Eh 'di ba hindi naman gano'n katagal 'yung marriage niyo?"

"Athena confessed to me earlier," sambit ko bago kumagat sa mini donut na hawak ko. 

Napasinghap si Faith sa sinabi ko at mabilis na inilapit ang sarili sa akin. "Seryoso!? Paano? Anong nangyari? Tell me. Ang aga niyo umalis kagabi eh, hindi na nga naka-shot si Athena."

Napapikit naman ako bago napabuntong-hininga. Sinimulan ko ang pagkukwento sa nangyari kagabi. Habang nagkukwento ay hindi ko maiwasang matawa sa binibigay na reaksyon ni Faith. Para siyang emoji, paiba-iba ang reaksyon.

"Girl, what the fvck?" she mumbled while looking at me with wide eyes.

"What the fvck din," sagot ko.

Nakatanggap naman ako ng malakas na hampas sa braso mula rito. Gagi! Masakit!

"You're relationship with her is finally improving. Lume-level up, sisteret!" she exclaimed. Inaalog-alog niya pa ako na akala mong isa akong alkansya. Baliw talaga 'to.

Gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyang nararamdaman ko ngayon. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao dito sa loob ng café. Ang lakas-lakas kasi nang boses ng boang na 'to. Minsan parang gusto ko na lang tahiin ang bibig niya kaso syempre bestie kami, so 'wag na.

"Anyway, kailan ang check up niyo?" tanong niya nang kumalma na.

Nilunok ko muna ang nginunguya kong red velvet cake bago siya sagutin, "Bukas na. Excited kasi masyado si Athena. Hindi na naman ako naging KJ kasi excited din ako. Just thinking na magkakaroon kami ng anak, parang gusto ko na lang mahimatay sa saya. Although may part pa rin sa 'kin na natatakot na baka hindi ko magampanan nang maayos ang pagiging ina pero naiisip ko na nandyan naman sila tita at pamilya ni Athena para gabayan kami."

Napangiti siya matapos ko magsalita. Nagtataka ko naman siyang tiningnan dahil sa way ng pagtingin niya sa akin. Para bang isa siyang ina na nakatitig sa anak niyang inalagaan niya mula pagkabata tapos bubuo na ng isang pamilya ngayon. 

"Para kang tanga," ani ko. 

"Para kang paa," ganti niya. 

"Para kang alipunga," ganti ko rin.

Hindi na ito rumebat pa at inirapan na lang ako. Alright, guess who's the winner? Of course, me!

"Zehra, tinatawagan ka ni Athena," aniya saka inginuso ang cellphone kong nasa ibabaw ng lamesa.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now