Chapter 7

1.2K 69 3
                                    

Zehra Anais

"I'm starving. What did you cook?" tanong niya kaagad nang makaupo.

"Beef steak po, ma'am," sagot ko.

"Paghandaan mo 'ko," aniya bago naupo sa dining table. Nakapikit ito at minamasahe ang mga balikat.

Napa-ismid na lang ako bago sinunod ang utos nito. Psh. Marami siguro siyang ginawa kanina sa opisina.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng plato, utensils, at placemat doon. Inilapag ko ito sa harapan niya at inayos na rin.

Bumalik ulit ako sa kusina at kumuha naman ng baso at pitsel ng tubig sa ref bago ito inilapag din sa harap niya. Bumalik pa ulit ako sa kusina para naman kunin ang pagkain na niluto ko kanina.

"What is this?" tanong kaagad ni Ma'am Athena nang mailapag ko sa harapan niya ang niluto kong bistek o beef steak. Kinuha niya pa ito at inamoy-amoy.

"Bistek, or should I say, beef steak," sagot ko. "Gusto mo ng kanin? Masarap 'yan sa kanin," tanong ko pa.

"What? Beef steak? Bakit may sabaw at sibuyas? As far as I know, beef steak is the one you grill in a skillet with melted butter and rosemary. Why is it like this? This is not a beef steak," aniya, habang nakakunot ang noong nakatingin sa niluto kong pagkain.

Ang sinasabi niya ba ay 'yong steak na kinakain ng mga mayayaman at nakikita o sine-serve sa mga mamahaling restaurant? Tsk. Hindi niya ba alam kung ano 'to? Hindi pa siya nakakakain nito?

Napatikhim ako, dahilan para makuha ko ang atensyon niya. Kunot-noo naman itong tumingin sa akin.

"Ma'am Athena, hindi ka pa ba nakakakain o nakakatikim niyan? Para lang 'yang adobo pero may kaunting asim dahil minarinate ko muna 'yan sa toyong may kalamansi, at ginamit ko rin ang pinag-marinate-an ko niyan para magkaro'n ng kaunting sabaw. Bistek o beef steak ang tawag riyan, okay?" paliwanag ko.

"No, never ko pang natikman 'to at ngayon ko lang din nalaman na may ganito pa lang pagkain dito. I only know sinigang, adobo, menudo, and  lechon," she answered and glance again at the food that I cooked.

Eh? Seryoso ba siya?

"Akala ko ba ay dito ka lumaki?" tanong ko.

Napakunot muli ang noo niya at tumingin sa akin. "Huh? Who told you that I was raised here?" she asked.

Napakunot din ang noo ko dahil sa tanong niya. "Eh? Hindi ba? Hindi ka ba rito lumaki, Ma'am Athena?" tanong ko naman.

She shook her head. "No, I was not raised in this country. I was born here, but I grew up in Canada. Aunt Hell, my mother's youngest sister, was the one who raised me there. My parents... Well, they stayed here since they are busy running our businesses. One of our companies, as far as I know, went bankrupt, kaya ayon, iniuwi muna nila ako kay Aunt Hell dahil wala raw mag-aalaga sa akin dito. Isang taon pa lang akong naglalagi rito."

Napatigalgal naman ako sa sinabi niya. Eh? Sa Canada siya lumaki? Ang akala ko talaga ay dito siya lumaki. Kaya pala medyo may accent siya minsan kapag nagta-Tagalog.

"Hmm, I really thought you grew up here. Well, at least I know now," sambit ko bago nagkibit-balikat. 

Napatingin naman ako sa plato kung nasaan nakalagay ang niluto kong ulam. "Now, eat that food before it gets cold. Masarap 'yan, promise. Ako kasi ang nagluto. Much better kung kakainin mo 'yan na may kasamang kanin," ani ko.

"Are you sure? Baka mamaya nilagyan mo pala 'yan ng lason," sagot niya naman habang nakatingin sa plato.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo? Mukha ba 'kong mamamatay-tao? 'Tska, kung papatayin man kita, sisiguraduhin kong tulog ka," sagot ko, ngunit hininaan ko ang boses ko sa huling salitang sinabi ko. Baka mawalan ako ng trabaho ng wala sa oras.

Loveless MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon