Chapter 3

1.7K 80 4
                                    

Zehra Anais

"Sigurado ka ba, Faith? Isasama mo talaga ako? Hindi ba nakakahiya?" tanong ko sa kasama ko.

Kasalukuyan kaming nasa kwarto ko ngayon. Wala sila Tita dahil naggala silang mag-ina. Hindi man lang nga nag-iwan ng kahit singkwenta pesos pambili ko ng pagkain. Basta na lang silang umalis.

Galing, 'di ba? Sino ba naman kasi ako para iwanan ng pera pangkain?

Isang linggo na rin ang lumipas simula nang mangyari ang nakakatakot na pangyayaring 'yon na hindi yata ako pinatulog ng mahigit ilang araw. Pakiramdam ko kasi ay ramdam ko pa rin sa labi ko ang malambot na labi niya. Sa tuwing pumipikit din ako ay nakikita ko ang nakangising mukha niya. Hindi kaya may kung anong kapangyarihan ang babaeng 'yon?

Aish. 'Di bale na nga! Ang importante ay unti-unti ko na ring nakakalimutan ang pangyayaring 'yon. Mabuti na lang din ay hindi ko na siya nakita pa dahil talagang paulit-ulit akong hahabulin ng pangyayaring 'yon.

Ang akala ko pa ay isang gwapo na matipunong lalaki na kamukha ni Choi Seung-hyun ang makakakuha ng first kiss ko, pero hindi, isang babae pala ang makakakuha ng first kiss ko. Ang mas masaklap, mukha pang babaero!

Lord, bakit naman gano'n? Lord. Choi Seung-hyun ang hinihiling ko pero bakit siya ang dumating? 'Tska, straight po ako. Huhu.

Napabalik ako sa sarili nang marinig ang pagpitik ni Faith sa harapan ko.

"Hoy, Zehra! Tulala ka riyan? Tapos na kitang make-up-an. Mag-ayos ka na, mars. Ito 'yong suotin mo, bagay 'yan sa'yo. Ito naman 'yong sapatos, ka-terno ng dress. Tatawagan ko lang si Kuya Dexter para sunduin tayo," sambit ni Faith bago lumabas ng kwarto.

Nang makalabas siya ay nagsimula na akong mag-ayos. Sinuot ko ang binili niya sa aking damit last week. Black one-shoulder elegant dress ito na umaabot hanggang ibaba. Medyo kita ang likuran ko pero hindi naman siya gano'n ka-revealing. May maliit na slit din ito sa kanang parte na umaabot hanggang kalahati ng binti ko. Okay lang naman siya para sa akin. The dress also perfectly hugged my curves, kaya malalaman mo talaga na napadami ang kain ko mamaya kapag napansin na bloated ang tiyan ko.

Kasunod kong sinuot ang sapatos na kasabayan din ng dress na binili namin. Kulay itim din ito na ankle-strap block heels na two inches ang taas. Alam kasi ni Faith na hindi ako sanay sa sobrang taas na heels kaya ito ang pinili niya. Buti na lang at may alam siya sa mga ganito dahil bagay na bagay talaga ang sapatos na pinili niya para sa damit na suot ko. Pinasuot niya rin sa akin ang pearl drop earrings at necklace. Simple lang ito pero napaka-eleganteng tingnan.

Nang matapos sa pag-aayos ay humarap ulit ako sa full length mirror na nandito sa kwarto ko. Hindi ko maiwasang mapatitig sa itsura ko sa salamin. Pakiramdam ko ay hindi ako ang nakaharap dito, para bang ibang tao ang nakikita ko sa salamin.

Ang ganda ko. Napakaganda ko pala kapag naaayusan.

Tamang buhat lang ng sariling bangko.

Hindi ko pinansin ang pagbukas ng pinto ng kwarto at nanatiling nakatingin sa repleksyon ko sa harap ng salamin. Si Faith lang naman ang pumasok dito.

"Oh, my gosh. Zehra, you looked gorgeous! Look at that body! You're so sexy! Sabi ko na, eh! Babagay sa iyo 'yang napili kong dress. Grabe, mars, ang ganda mo! Siguro noong bumabaha ng kagandahan at ka-sexy-han, nandoon ka sa gitna ng baha, palutang-lutang habang umiinom ng wine," ani Faith habang pinapasadahan ako ng tingin.

"I know right. Ganda mo rin, mars! Pahawak nga ng likod mo, tignan ko kung makinis," ani ko bago pinadausdos ang kamay ko sa likod nito. Backless kasi ang suot nitong dress na kasing haba rin ng akin, kulay blue naman ito at sleeveless.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now