Chapter 19

1K 54 6
                                    

Zehra Anais

"I'm home," anunsyo ni Athena mula sa labas ng kusina.

Pinatay ko ang apoy nang matapos na ang niluluto ko at dumiretso sa living room. Naabutan ko siyang nagtatanggal ng blazer at mukhang pagod na pagod.

"Hi, gutom ka na?" tanong ko nang makalapit.

Tumango lang siya sa akin at saka inabot ang handbag niya at ang hinubad niyang blazer. Pinanood ko siyang maglakad papasok sa dining area bago sumunod. Medyo nawiwirduhan ako sa kaniya. Anong nangyari?

"Hey, Zehra, I have something to tell you," Athena said in the middle of eating.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya bago umayos ng upo. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nakaramdam ng kaba sa balak niyang sabihin. Nacu-curious din ako at the same time.

"Ano 'yon?"

"Well, you see, I already informed my parents about our engagement and they told me that they want to meet you."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano? Gusto akong makilala ng magulang niya? O to the M to the G. Hindi ako ready.

"Hey, are you alright? Ayos lang naman kung ayaw mo," sambit ni Athena nang ilang minutong hindi ako sumagot.

"Ha? Hindi, ano kasi, nagulat ako. K-kailan ba 'yan?" tanong ko.

"Hm, this weekend sana if ayos lang sa'yo. We'll stay there for a week, I don't know why."

"Okay, okay. Iyon lang ba?" tanong ko bago nag-angat ng kilay sa kaniya.

"You should also bring your parents."

Tila nanlumo ako sa tinuran niya. Paano 'yon? Wala akong magulang. Hindi naman required 'di ba? Ayoko namang isama sila Tita Flor since matagal ko ng pinutol ang koneksyon ko sa kanila tska baka mamaya mag-eskandalo lang 'yon doon, nakakahiya.

"Is it really necessary?" bulong ko.

"Alin?"

"Pumunta parents ko."

"Why? May problema ba?" tanong niya.

"I-I don't have a parents."

"O-oh, is that so? How about any relatives?"

"Wala rin. Pwede bang ako na lang isama mo?" tanggi ko.

"Yeah, sure. That won't be a problem, Zehra. Let's just tell them that your prarents can't come when we go there. For sure naman, okay lang sa kanila 'yon."

Ngumiti naman ako rito. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. I didn't bother to tell her about Tita Flor and Gia. Hindi naman sila importante. Panggulo lang 'yon sa buhay ko.

____

We are currently in a mall. Namimili kami ng mga damit na pwede kong isuot sa darating na sabado. Ayoko namang kasing humarap sa magulang niya na naka-jeans at simpleng t-shirt lang 'no. Nakakahiya.

"You should try this, bagay 'to sa'yo," saad ni Athena.

Inabot niya sa akin ang kulay puting slim waist dress na umaabot hanggang ibaba ng tuhod ko. Puff ang short sleeves nito at v-neck naman ang neckline. It looks so simple and elegant.

 It looks so simple and elegant

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Loveless MarriageWhere stories live. Discover now