Chapter 4

1.4K 83 5
                                    

Zehra Anais

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng init sa aking pisngi. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata pero kaagad ding napapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa labas ng bintana.

Bumangon ako at naupo pero kaagad na napa-igik nang makaramdam ng sakit sa katawan. Himala, hindi ko yata naririnig ang sigaw ni Tita ngayong umaga? Nakauwi na ba sila?

Iminulat ko ulit ang mata ko at saglit na napatitig sa kawalan. Inilibot ko ito sa buong silid pagkatapos at napatigil nang makitang wala ako sa kwarto ko.

Hala. Nasa'n ako? Bakit wala ako sa kwarto ko? Hindi pamilyar sa akin 'to.

Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan nang biglang makaramdam ng lamig. Napababa ang tingin ko sa aking katawan at nanlaki ang mata nang makitang wala akong kahit anong saplot. Huh? Nasaan 'yong damit ko? Bakit wala akong damit?

Kinapa-kapa ko ang kama, nagbabakasaling nandoon ang damit ko pero kaagad ding napatigil nang may mahawakan akong malambot. Pinisil-pisil ko ito ng ilang beses. Eh? Ano 'to?

"Hmm... Ah!" ungol ng isang boses ng babae.

Nilingon ko ito at gano'n na lang ang gulat nang may makitang babae sa tabi ko. Katulad ko ay wala rin itong kahit anong saplot sa katawan at ang tanging tumatakip lang sa kaniya ay ang kumot na gamit namin. Napababa ang tingin ko sa kamay ko at dali-dali itong tinanggal nang makitang sa dibdib niya pala ako nakahawak.

Oh, no.

A-anong nangyari? Bakit wala kaming damit? At 'yong katabi ko, siya 'yong humalik sa akin sa fitting room! May nangyari ba sa amin!?

No way, highway...

"Oh, you're already awake. Good morning, how do you feel?" tanong niya habang nagkukusot ng mata.

Hindi ako sumagot at gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. Ipinangtakip ko rin ang kumot sa walang saplot kong katawan. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa dibdib ditong nakalabas. Nakaupo rin kasi siya at hindi niya yata napansing nalaglag ang kumot na tumatakip sa dibdib niya. Kaagad ko rin namang iniwas ang tingin do'n bago pa niya ako mahuli.

"My body hurts. Tell me, did something happened between us?" tanong ko.

Nakita ko ang pagngisi nito sa tanong ko. "What do you think? Hindi pa ba obvious? Kaya nga tayo nakahubad, 'di ba?" aniya.

"N-no, hindi pwede. Nangako ako kay Lord na sa magiging asawa ko lang ibibigay ang virginity ko. H-hindi pwede..." kunwaring naiiyak na ani ko.

I heard her laugh loudly because of what I had said. "Oh, my gosh. You're too serious, Miss Zehra! I'm just kidding. Nothing happened between us," aniya habang tumatawa pa rin.

Naluluha at nagtataka ko naman siyang tinignan. Totoo ba ang sinasabi niyang walang nangyari sa amin? Pero bakit ako nakahubad? 'Tska, bakit ang sakit ng katawan ko?"

"H'wag mo nga 'kong niloloko! Kung talagang walang nangyari sa atin, bakit tayo nakahubad? Bakit masakit 'yong katawan ko?" naiiyak na tanong ko.

Narinig ko na naman ang pagtawa niya bago sumagot, "Haha! You don't remember what happened last night? You really don't remember?" natatawang tanong niya pa na inilingan ko.

Wala talaga akong naalala. Ang huling naalala ko lang ay may lumapit sa akin kagabi at sigurado akong siya 'yon. Pagkatapos no'n ay wala na 'kong naalala.

"A-ano bang nangyari?" tanong ko.

"Well, I saw you at my friend's birthday party last night, drinking alone at the bar island. You look so drunk nang makalapit ako sa 'yo. Nakatungo ka na rin sa bar island at ready nang matulog. I didn't expect to see you there. So ayon nga, nakakahiya naman kung hahayaan lang kita do'n, 'tska baka rin mapahamak ka kaya dinala muna kita sa kwarto ko. Habang papunta tayo sa kwarto ko, bigla ka na lang nagising tapos kung ano-anong pinaggagawa mo sa hallway ng hotel. You even acted a like fish tapos nag-swimming ka sa hallway, ang dami mo pang ginawa na hindi ko na sasabihin. I guess that's the reason why your body hurts.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now