Chapter 47

430 23 0
                                    

Zehra Anais

Napatitig ako sa papel na hawak ko. Anong ibig sabihin nito? Kanino galing 'to?

Bigla akong inatake ng matinding kaba dahil sa nabasa ko. Ramdam ko malakas pagtibok ng puso ko, para bang lalabas na siya sa sobrang pagtibok. Nanghihina rin ang mga tuhod ko.

"Hey, what's wrong?"

Muntik na akong mapatalon sa pwesto ko nang marinig ang boses ni Athena sa likuran ko. Pakshet!

"A-Athena..." nanghihinang bulong ko. Hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko.

She carefully held me while looking at me worriedly. "What's wrong, baby?" tanong niya muli.

Unti-unti kong nilamukos ang papel na nasa kamay ko, at mukhaang napansin niya 'yun kaya napatingin siya rito. Nagtatanong ang mga mata niyang tumingin sa akin.

"What's that?" tanong niya. "Give it to me, baby," utos niya pa.

Sumusukong ibinigay ko ito sa kanya. Inayos niya ang nalamukos na papel bago ito binasa. Pinapanood ko lang siya at inoobserbahan ang magiging reaksyon niya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa binabasa at nanggigigil na nilamukos niya ang papel matapos iyong basahin, Napasuklay siya pula at mahaba niyang buhok.

"Kanino 'to galing?" tanong niya ngunit, bakas ang pagtitimpi sa boses.

Umiling ako. "Hindi ko alam, Athena. Nakita ko lang 'yan dito sa tapat ng pinto," sagot ko.

Napabuntong-hininga siya. "Let's get inside, baby. The person who left this here might be somewhere out there. I don't want to risk the both of you," aniya bago ako masuyong inakay papasok sa loob ng bahay.

Sinalubong kami ni Yesha nang makapasok dahil nandoon lang ito sa sala at abala sa pag-aaral. Hindi ko magawang ngumiti sa kanya dahil sa pangambang nararamdaman ko. Palaisipan sa akin kung sino ang nag-iwan no'n dito at kung ano ang intensyon niya. Natatakot ako para sa amin nila Athena.

"Yesha, did someone visit here earlier? Or may tao bang pumunta rito or dumaan?" tanong ni Athena kay Yesha.

Napakunot ang noo ni Yesha sa tanong ni Athena. "Wala naman po, Ate Thena. Naka-lock po ang gate natin kanina pa dahil ako lang po ang naiwan dito ngayon. Pinatawag po kasi si Manang Eli sa mansyon kanina noong makaalis kayo. Bakit po?" sagot niya.

Athena sighed in disbelief. "Nothing. Can you please help your Ate Zehra upstairs? She's tired and she needs to rest," pakiusap nito kay Yesha.

"Okay po. Tapos na rin naman po ako rito sa ginagawa ko," aniya at saka lumapit sa amin.

Napangiti si Athena rito. "Thank you, Yesha. Stay with her for now, and baby, I'll go inside my office. I need to call someone," sambit niya.

Ngumiti lamang ako nang maliit dito bago tumango. She then kissed me on the forehead before walking toward her office. SI Yesha naman ay inakay na ako paakyat sa kwarto dahil hinang-hina talaga ako.

"Okay ka lang, ate?" tanong nito.

"Pagod lang, Yesha,' malumanay na sagot ko.

"May masakit po ba sa inyo? Gusto niyo po bang kumain?" tanong niya muli.

Inalalayan niya akong makaupo sa kama. Sumandal ako sa headboard at napabuntong-hininga nang makahanap ng komportableng pwesto. Naupo naman sa harap ko si Yesha na hinihintay ang sagot ko. Ngumiti lamang ako sa kanya bago sumagot, "I'm fine. Pwede mo ba 'kong dalhan ng makakain dito, Yesha?"

Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama bago tumango. "Sige, ate. Hintayin niyo 'ko rito ha," aniya.

Tumango naman ako at pinanood siyang maglakad palabas ng kwarto. Nang tuluyan na siyang makalabas ay napapikit na lamang ako at inaalala ang nangyari kanina. Napahilot na lamang ako sa sentido dahil nai-stress na ako sa nangyayari ngayong araw.

Loveless MarriageDove le storie prendono vita. Scoprilo ora