Chapter 8

1.1K 67 7
                                    

Zehra Anais

"Who are you?" maarteng tanong niya. I even saw her rolled her eyes on me. Ay, attitude ka, sis?

I gave her a smile. A fake smile to be exact. "Ay, sino ho sila?" nakangiti pa ring tanong ko.

Lalo pang napa-angat ang kilay niya. "I'm the one who asked that question first," masungit na aniya. "Argh! It's so hot in here. Let me go inside," aniya at naglakad papasok sa bahay ni Ma'am Athena.

Eh? T-teka, teka, bakit siya papasok? 'Tska, sino ba siya? Nako, patay ako nito kay Ma'am Athena kapag nalaman niyang nagpapasok ako ng kung sino-sino rito.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kaniya at hinarang siya mismo sa may harap ng pinto. I opened my arms wide to prevent her from going inside the house. Mas matangkad siya sa akin ngayon dahil sa suot niyang heels pero wala akong pakialam.

"W-Wait lang po, ma'am. Sino ho ba kayo? Kilala po ba kayo ni Ma'am Athena? Malalagot po 'ko sa kaniya kapag pinapasok ko po kayo ng walang pahintulot niya," sambit ko.

She suddenly flipped her hair and rolled her eyes on me again. Ang hilig niyang umirap, dukutin ko kaya mga mata niya? She even glanced at me from head to toe. Inilagay niya ang mga kamay sa baywang at maarte akong tinignan ulit.

"Why don't you call her then? She knows who I am. And can you please stop blocking the door? I want to go inside, because it's so hot outside. I don't want to get a sunburn," aniya at malakas akong itinabig bago binuksan ang pinto. "What an annoying woman," sabi pa niya bago tuluyang naglakad papasok sa loob.

Wala na 'kong nagawa at sumunod na lang sa kaniya papasok sa loob. Naabutan ko siyang kumportableng naka-upo sa sofa habang inililibot ang paningin sa buong sala. And then, she suddenly turned her head to me and raised one of her eyebrow.

"Get me some tea," utos niya.

What the hell is wrong with this woman? Ang sungit niya, ha? At bakit naman umaasta siya na parang sa kaniya itong bahay?

Nang hindi na siya nakatingin sa akin ay ako naman ang umirap. Psh. Nakasimangot na naglakad ako papuntang kusina at naghanap ng tea na sinasabi niya. Nang wala akong mahanap ay bumalik ako sa sala.

Natagpuan ko naman siyang nakade-kwatro at nakangiti habang nagii-scroll sa cellphone nito. Tumikhim ako, dahilan para makuha ko ang atensyon niya. And just like earlier, she raised her eyebrow at me again.

"What is it?" she said.

"Wala ho kaming tea. Kape lang ho ang mayroon kami," sagot ko.

I heard her groaned in annoyance. "Buy one then," aniya.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Siya na nga ang may ganang pumasok dito at mag-chill-chill ng walang pahintulot galing sa amo ko tapos ganiyan pa siya? Nakakainis na siya, ah? Baka madukot ko ang mata niya ng wala sa oras.

Dali-dali akong dumiretso sa kusina at pumunta sa may telephone stand na nandoon. I immediately dialed Ma'am Athena's telephone number. Saglit pa akong naghintay bago marinig ang pag-hello niya.

"Ma'am Athena, sorry to disturb you but someone suddenly barged in your house," sambit ko kaagad.

["What? Who?"] tanong niya.

"I don't know who she is. She asked me to call you, ang sabi rin niya ay kilala mo raw siya," sagot ko.

["What does she look like?"]

"Hmm, she looks like a spoiled brat," wala sa sariling sambit ko.

["What the f*ck? How the hell did she manage to find my house!?"] dinig kong bulong niya sa kabilang linya na para bang kilala na kung sino ang tinutukoy ko.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now