Chapter 28

1.1K 62 11
                                    

Zehra Anais

"Is everything ready, mi amore?"

Napatigil ako sa pagzi-zipper ng maleta ko nang marinig ang tanong ni Athena mula sa labas ng kwarto. Kasalukuyan kong chine-check ang mga gamit naming dalawa para masiguradong wala kaming nakalimutan na gamit. Ayoko rin kasing kulang-kulang ang dala namin.

Hindi ko alam pero excited na excited na 'kong pumunta sa Palawan. First time ko kasing makakapunta roon. Buong buhay ko, sa bahay lang nila Tita, sa school, sa terminal, sa palengke at sa ibang lugar lang doon sa amin ang napupuntahan ko. Hindi rin ako nakakasama sa mga outing ng mga kaklase ko noong highschool at kapag nag-aaya sila Faith dahil ayaw naman akong payagan ni Tita. Killjoy talaga 'yon kahit kailan.

"Yes, tapos na! How about you? Sinigurado mo bang wala nang nakasaksak na mga gamit? Maglagay ka rin ng ilang snacks sa handbag mo," bilin ko kay Athena.

Matapos i-check ang dalawang maleta na dala namin ay hinila ko na ito pababa. Medyo nahirapan pa ako dahil may kabigatan ang maleta namin kaya tinulungan na ako ni Athena na ibaba 'to noong makita niya 'ko.

Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ko siyang makitang masayang nakikipag-usap sa isang lalaking hindi ko naman kilala sa mamahaling restaurant. Noong makauwi siya ay hindi na ako nag-abalang magtanong pa kung sino 'yon kasi ayokong makahalata siya at dahil nawala rin sa isip ko pero sa tuwing naalala ko 'yon para bang gusto kong mainis.

Noong araw din na 'yon tumawag si Athena. In-inform niya ako tungkol nga sa binabalak niyang bakasyon para sa mga empleyado niya. Hindi na nga ako nagulat noong malamang halos lahat ng empleyado niya ay kasama. Hello, sa sobrang yaman nitong asawa ko, nakaya niyang gastusan ang mga empleyado niya.

Noong tinanong ko siya, ang sabi niya pangbawi raw 'to sa mga empleyado niyang sobrang na-stress dahil sa dami ng gawain ngayong buwan. Kasya na siguro kaming lahat sa isang eroplano, pero mukhang mauuna ang iba kasama ang bagong dating na business partner ni Athena. Napag-alaman ko rin na sa isang resort ng kaibigan niya kami mag-sstay.

"Anais."

Napamulat ang nakapikit kong mata nang marinig ang pagtawag ni Athena sa second name ko. Naramdaman ko rin ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ito yata ang unang beses na tinawag niya ako sa second name ko. Ewan ko pero bakit ang sarap pakinggan kapag galing sa bibig niya?

"Zehra?" tawag muli niya ngunit, sa unang pangalan ko na.

"Bakit?" tanong ko rito at humarap.

Hindi ko maiwasang mapanganga nang kaunti at mapatitig sa kabuuan niya. Sobrang ganda kasi nito sa suot ngayon. Nakasuot ito ng kulay puting loose na long sleeves. Bukas ang naunang dalawang butones nito at doon isinabit ang isang itim na sunglasses kaya kitang-kita ang cleavage niya. Naka-tacked-in naman ang puting long sleeve sa kulay beige na highwaisted shorts. Tinernuhan niya ng puting braided slippers ang damit niya at isang bag na gawa sa rattan. Nakalugay pa ang pula at kinulot na buhok nito.

Grabe, ang hot. Luluhuran po, char.

"Alis na tayo. They are already there," ani Athena.

Tumango naman ako sa kaniya at hinila ang dalawang maleta papalapit sa pwesto niya. Kinuha niya ang dalawang 'yon sa akin at saka naglakad palabas. Ini-lock ko muna ang pinto ng bahay bago sumunod sa kaniya sa kotse.

"You look good in that dress, mi amore," biglang sambit ni Athena na nagpatigil sa akin.

Ito na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko rin nag-iinit ang tainga at mukha ko. Napapikit ako saglit bago humarap sa kaniya ng nakangiti, pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman ko.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now