Chapter 6

1.2K 65 1
                                    

Zehra Anais

"Bakit ganito? Bakit may alikabok pa rin dito? Ang akala ko ba nilinisan mo 'to nang mabuti?" tanong ni Ma'am Athena habang nakaturo sa pinakasulok ng bintana na may naiwan daw na mga alikabok.

Napansin niya pa 'yan? Eh ako nga, hindi ko nga napansin 'yan kahit ilang beses ko nang pinunasan ang bintana. Anong klaseng mata ba ang mayroon itong si Ma'am Athena? Eagle's eye ba? Tch.

"At ito, bakit ang alikabok din nitong ibabaw ng center table? Tsk. Naglilinis ka ba talaga, Zehra?" aniya.

Napatingin naman ako sa ibabaw ng center table bago ipinadulas ang kamay ko sa ibabaw no'n. Tinignan ko ito pagkatapos at nakitang wala namang kahit anong alikabok ang dumikit sa kamay ko.

Kunot-noo kong nilingon si Ma'am Athena at nakita siyang nakahalukipkip habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Para bang sinasabi niyang, "see? I told you." Pinagti-trip-an niya yata ako, eh. 

"Tignan mo nga, Ma'am Athena kung merong alikabok," sambit ko bago iniharap mismo sa mukha niya ang palad na ipinunas ko sa center table.

Nakita ko pa ang panlalaki ng mata nito nang bigla kong iharap sa kaniya ang palad ko. Titig na titig ito ro'n at saka napakunot bago ulit niya tinitigan iyon ng mabuti.

"Meron ba, ma'am?" tanong ko bago inilapit pa sa mukha niya ang palad ko.

"Yes, did you see that?" aniya at tinuro ang palad ko. "Don't ask so many questions, Zehra, just do your job. I will go now, may meeting pa 'ko. Make sure to clean everything. Ayokong makakita ulit ng kahit anong alikabok," dagdag niya pa.

Tumalikod ito sa akin at kinuha ang bag na ipinatong niya kanina sa couch bago naglakad paalis. Nakakunot ang noong pinapanood ko lang siya habang naglalakad palabas ng bahay.

Nang tuluyan na siyang makalabas ng bahay ay napatingin ako sa palad ko. Inilapit ko ito ng sobra sa aking mukha at tinignan itong mabuti. Hinanap ko ang sinasabi niyang alikabok at nang walang makita ay napadabog na lamang ako.

Isang buwan na 'kong nagtatrabaho rito. At ang masasabi ko lang, unang araw ko pa lang sa pagiging katulong ay pinahirapan na niya kaagad ako. Imagine, buo at bawat sulok ng bahay niya ang pinalinis niya sa akin sa unang araw ko? Partida, ako lang ang nag-iisang kasambahay niya at kasama pa do'n ang paglilinis ng bawat sulok ng pool at ng backyard niya.

Si Manang naman ay hindi ko na nakita pagkatapos ng dalawang araw ko rito sa pagtatrabaho. Temporary maid lang pala siya at pinabalik na ni Ma'am Athena sa totoong trabaho nito. Ang sabi kasi sa akin ni Manang, doon daw talaga siya nagtatrabaho sa magulang ni Ma'am Athena at hiniram lang nito dahil wala pa raw siyang nahahanap na maid. Kaya ayon, nang makapagtrabaho na 'ko rito, umalis na siya. Buti na lang ay tinuruan niya 'ko at inilibot noong unang araw ko kaya medyo saulo ko na rin itong bahay.

Nakasimangot kong ipinagpatuloy ang paglilinis ko. Nakakainis! Pinagti-tripan niya ba talaga 'ko? Eh, ang ayos-ayos nga ng paglilinis na ginagawa ko tapos sasabihin niyang may nakikita pa rin siyang alikabok? Ano ba talagang klaseng mata ang mayroon siya?

Nilingon ko ang center table at nakitang sobrang kintab na nito dahil sa pagpupunas ko ng mabuti. Ayan! Kapag may nakita pa siyang alikabok riyan, tutusukin ko na talaga ang mata niya. Syempre, biro lang 'yon. Ayoko namang mawalan ng trabaho.

Argh! Makakaganti rin ako sa iyo, Ma'am Athena. Just wait and see.

______

Pabagsak na napaupo ako sa kama ko nang makapasok sa maid quarters habang iniikot-ikot ang aking balikat.

Hapon na, at katatapos ko lang maglinis ng bahay. Oo, ngayon lang ako natapos dahil sinigurado ko talagang sobrang kintab at linis ng bawat sulok ng bahay ni Ma'am Athena. Ayoko namang may masabi ulit siya, 'no.

Loveless MarriageNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ