Chapter 17

1K 56 6
                                    

A/N: Hi! I just want to inform you na rito na mag-start 'yong changes. Anyway, enjoy reading!

____

Zehra Anais

"Psst, Ma'am Athena! Nalagpasan na natin 'yong supermarket," sambit ko pagkatapos siyang kalabitin.

She just glanced at me and continue on driving. "We're not going there, Zehra," aniya.

Nagtataka man ay napatango na lang ako. Baka naman ayaw na niya do'n mamili? Ang tagal din kasi ng service do'n gawa ang bagal ng cashier kumilos. Hayaan ko na nga, siya naman ang mamimili at hindi ako.

I stayed silent the whole ride. Inabala ko ang sarili sa panonood sa mga nadadaanan naming matataas na buildings. Natigil lang ito nang bigla kaming ma-traffic kaya wala akong nagawa kun'di ang isandal ang ulo ko sa headrest ng inuupuan ko.

Napapikit naman ako at napa-inat saglit nang tuluyang maisandal ang ulo ko sa headrest. I suddenly felt sleepy because of exhaustion. Napasobra yata ang pagsasayaw ko kaya ganito.

"Pwede bang umidlip muna saglit, Ma'am Athena? Inaantok ako eh," I asked, and yawned.

She glanced at me and nodded. "Sure, go ahead. I'll wake you up when we're finally there. Sleepwell, Zehra," she answered.

Isinandal ko ang aking ulo sa may gilid ng bintana at napatingin muli sa labas nang magsimula na kami ulit na umandar. Hindi nagtagal ay unti-unti na ngang bumigat ang talukap ng mata ko at tuluyan na nga akong nilamon ng pagod at antok.

____

"Hey, Zehra, wake up. We're here."

Nagising ako mula sa pagkakaidlip nang marinig ang pagtawag sa akin ni Ma'am Athena. Inuuga-uga pa niya ang braso ko kaya naman nagising kaagad ako. Hindi rin naman kasi gano'n kalalim ang tulog ko dahil medyo hindi komportable sa pwesto ko.

Naningkit ang mata ko nang mapatingin sa labas ng kotse dahil sa liwanag na nanggagaling sa gusaling nasa harap namin. I glanced at the woman beside me and opened my eyes.

"Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya.

"We're outside the mall, Zehra," sagot niya.

Napatango naman ako sa kaniya bago ulit tumingin sa labas. At dito pa talaga kami pumunta? Lumayo pa talaga siya ah. Tinanggal ko ang seatbelt ko nang makita siyang lumabas sa kotse. Sumunod naman ako rito at lumabas din.

"Bakit dito pa? Lumayo pa talaga tayo," sambit ko nang makalabas.

"Ayoko ro'n. Okay na rin dito dahil may makakainan tayo mamayang dinner after mag-grocery," sagot niya sa akin.

Napataas ang kilay ko sa kaniya bago napababa ang tingin sa katawan niya. Ngayon ko lang napansin na nakaayos pala siya ngayon. Nakasuot siya ng kulay itim na polo na nakatupi hanggang siko ang manggas. Naka-tack-in ito sa suot-suot niyang high-waisted jeans at mayroon ding kulay itim na belt na may tatak na Gucci ang nakapalibot sa baywang nito. Tinernuhan niya pa ito ng kulay apricot na block heels na three inches yata ang taas at may hawak pa siyang kulay itim na maliit na handbag na may tatak namang Chanel.

Rich tita 'yarn?

Ang kulay pulang buhok naman nito ay medyo kulot at nakabuhaghag. Wow. I feel like I'm staring at a goddess. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong dumadaan sa pwesto namin. Mapababae man o lalaki. Everyone are captivated by this woman's beauty.

After looking at her outfit, I looked at myself. I'm just wearing a white t-shirt na mayroong spongebob na design at kulay itim na leggings. Naka-sandals lang din ako na rubber at naka-messy bun pa dahil ang akala ko ay sa supermarket lang kami pupunta. Nagmukha akong alalay.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now