Chapter 31

1.1K 59 7
                                    

Zehra Anais

"Eh! Ito na lang kasi! Hindi nga ako sanay na magsuot ng ganiyan!" reklamo ko kay Athena.

"Alright, alright. I give up. If you don't want to wear that bikini, then wear this instead," aniya at inilabas ang navy blue na rash guard.

Nagliwanag ang mata ko at madaling kinuha 'yon sa kaniya. Tumakbo ako papasok sa banyo at mabilis na isinuot iyon. Nagyaya siyang maligo ngayong hapon sa dagat dahil kahapon pa raw ako hindi naliligo magmula nang makarating kami rito.

Paano ba naman kasi, masyado akong nag-enjoy sa pagsama kay Carms kanina tapos hapon na 'ko nagising kahapon kaya hindi rin ako nakaligo.  Kaya ngayon, maliligo kami. Ang mga kasama naman namin ay abala ngayon sa kani-kanilang mga katrabaho.

May mga naglalaro ng volleyball, sumakay sa jetski at banana boat, merong naliligo sa dagat at meron ding iba na nakahiga sa beach chair habang sumisimsim ng malamig na inumin. Sinusulit nila ang ilang araw na bakasyon nila rito dahil hell month ulit next month.

"Mi amore, can you please apply this on my back?" tanong ni Athena habang nakatalikod sa akin.

Nakaupo kami rito sa isa sa nga beach chair para maglagay muna ng sunblock dahil ayaw naman naming matusta ng araw.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa likod niya. Kinuha ko ang sunblock sa kamay niya at saka siya pinatalikod sa akin. Naglagay ako ng tamang amount ng sunblock sa kamay ko bago iyon ikinalat. Dumapa naman si Athena sa beach chair habang nanatili pa rin ako sa tabi niya.

Napalunok ako nang mapatingin sa makinis na likuran niya. Tinanggal niya pala sa pagkakatali ang bikini niya. Buti na lang at nakadapa siya kaya natatakpan pa rin ang dibdib niya. Huwag lang niyang maisipang tumayo bigla dahil makikita ang hinaharap niya.

Napapikit ako saglit at nagpakawala ng malalim na hininga. Ipinatong ko ang parehong kamay sa likuran niya. Medyo napaigtad pa ako dahil sa pagdidikit ng balat namin.

I started to massage her back and spread the sunblock. Pigil ang hininga kong ginagawa iyon at pakiramdam ko ay anumang oras mahihimatay na ako. Napakalambot ng balat ni Athena, feeling ko tuloy nagmamasa ako ng dough. Iniiwasan ko ngang mapalapit ang kamay ko sa naiipit na dibdib niya.

I almost lost myself when I heard her not-so-loud moan.

"Yes, mi amore. Ah, there! More, please..." she moans again, enough for me to hear.

Namumulang ipinagpatuloy ko ang pagkalat sa sunblock sa likuran niya at patuloy rin ang impit na pag-ungol niya. Tangina. Pakiramdam ko, anumang oras mahihimatay na ako sa ginagawa niya. Hula ko, namumula na ang mukha ko ngayon.

"Hmm, that feels so good..."

Hindi ko na nakayanan at mabilis na inalis ang kamay sa likuran niya. Kaagad kong binuhol ang swimsuit niya at mabilis na lumayo sa kaniya. Naupo ako sa katabi niyang beach chair bago inilabas ang kaninang pinipigilan kong hininga.

Shet. Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang bilis ng tibok. Goodness gracious. Pakiramdam ko ay nababaliw ako.

"Why did you stop? Ang sarap pa naman sa pakiramdam," reklamo niya. "I didn't know na magaling ka palang magmasahe," dagdag niya pa bago ngumisi ng nakakaloko.

I glared at her. "You're making fun of me, Athena. You moaned intentionally, right? You did that to tease me," masama ang loob na sambit ko.

Tumayo naman siya at tumabi sa akin. I gasped when she wrapped her arms around my waist, hugging me from the side. She rested her chin on my shoulder while staring at me.

"I'm sorry for teasing you, mi amore. I won't do that again," Athena apologized.

Napapikit ako nang maramdaman ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Nagbigay 'yon ng kakaibang kiliti sa akin, dahilan upang magtaasan ang balahibo ko sa katawan. Something stirred in my stomach. Gosh, what's happening to me?

Loveless MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon