Chapter 49

419 22 1
                                    

Zehra Anais

Gago? Si Athena. Prank ba 'to ses?

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Parang may dumating na bulalakaw sa mundo ko which is si Carmeline tapos sinira niya.

Naninikip ang dibdib ko dahil sa nakikita. Hindi pa rin sila naghihiwalay na labis na ikinakirot ng puso ko. Parang hindi ako makahinga. Gagi, panaginip ba 'to? Ang sakit, yawa.

Ayoko na rito. Gusto ko na umuwi. Kailangan kong mahanap si Faith. Ayaw ko na rito.

I felt betrayed.

Nanghihinang napatayo ako sa pagkakaupo sa bench at palihim na naglakad paalis doon pero ang siste, pinaglalaruan yata ako ng mga engkanto kasi may naapakan akong maliit na sanga dahil para mabali 'yon at makagawa ng ingay.

Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang panlalaki ng mata ni Athena. Mabilis nitong itinulak si Carmeline palayo sa kanya at pareho pa silang naghahabol ng hininga.

“A-Ah, hehe... Sorry, naistorbo ko yata kayo,” sambit ko at napakamot pa sa leeg. Pilit kong itinatago ang dismaya at sakit sa boses ko. Parang gusto kong maiyak pero strong kasi ako.

“Zehra...” tawag ni Athena sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

“A-ano... Alis na 'ko. Kailangan ko na kasing magpahinga,” bulong ko at nagsimulang maglakad paalis doon.

Sinubukan akong sundan ni Athena pero mabilis itong pinigilan ni Carmeline.

“Ignore her, Athena. She's nothing to you, right?” ani pa ni Carmeline bago tumingin sa akin at ngumisi ng nakakaasar.

Sulutera. Kerida. Kabit. Ahas. Bagay sa kanya 'yung kantang "you're a motherfather b/tch, mang-aagaw ka. Sariling asawa ko inaangkin mo na~"

Two-faced beach.

“Shut up, Cara!” saway rito ni Athena.

Hindi ko na sila pinansin at umalis doon. Gusto kong magsabi ng masasamang words kasi siya pala si Cara. Grr. Ang tanga ko, bakit hindi ko napansin? Sabi ko na, pangit talaga vibes ng Carme— Cara na 'yon eh. Buti na lang 'di siya in-accept ng utak ko na maging friend.

Bakit ba siya nandito? Nakawala ba 'yon sa zoo at dito naghahasik ng kamandag niya? Dapat na ba akong tumawag sa mga zoo dito kasi nakawala ang ahas nila?

Mabilis kong nahanap si Faith kaya dumiretso ako rito.

“Mhie...” Kinalabit ko ito dahil abala siya sa pakikopagkwentuham kay Aleza.

Napalingon siya sa akin. “Oh? Bakit?”

“Uwi na tayo,” sagot ko.

“Ha? Bakit sa akin, sis?”

“Dali na. Pagod na 'ko, oh.” Pamimilit ko rito.

Naiiyak na 'ko. Gusto ko na makaalis dito kaagad kasi nakaka-suffocate tapos hindi ko matiis 'yung pagmumukha ng dalawang halimaw na 'yon. Pangit sila.

“Are you okay, Zehra?” nag-aalalang tanong ni Aleza sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya at pinilit muli si Faith.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now