Chapter 51

534 27 6
                                    

Zehra Anais

"Sino ka?" tanong niya na muntik ko nang ikinahulog sa upuan. "You must be one of my friends?"

Anong klaseng tanong 'yan? Naaksidente lang siya, hindi na niya ako maalala?

Nagtataka ko siyang tinignan saglit bago lumingon kila mama na nakaupo sa sofa. She just gave me a sad smile.

"What do you mean? Athena, si Zehra 'to, asawa mo," turan ko.

Napakunot ang noo niya. "What? I don't have a wife, miss. I have a girlfriend, who will be my wife soon, but it's not you," sagot niya.

Parang gumuho ang mundo ko dahil sa naging sagot niya. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang pagkawala ng luha ko. I clenched the hem of my dress while staring at her in despair.

"Ma?" tawag niya sa magulang. "Who's this woman? And where's Cara? Baka galit na siya dahil hindi ako sumipot sa dinner date namin. Alam niyo namang plano ko ng mag-propose sa kanya, 'di ba?"

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko na napigilan pang mapaiyak. Parang dinudurog ako dahil sa narinig mula sa kanya. Ano ba naman 'to? Parang ewan ang potchi. Hindi niya ba alam na nasasaktan ako dahil sa sinasabi niya?

Naramdaman ko ang paglapit ni mama sa amin. She gently held my shoulders and I couldn't help but cry on her stomach as I hugged her.

"Shut your mouth, Athena. You're hurting your wife," sermon sa kanya ng ina.

"W-what do you mean, ma? I don't have a wife, and if meron man, it's not her! You know how much I love Cara," sagot niya kay mama.

"She's not your wife, Athena! She left you years ago! You can't remember Zehra because you're suffering from amnesia! Can you please stop hurting your wife? Hindi pwedeng ma-stress ang asawa mo lalo na't dinadala niya ang anak niyo," turan ni mama habang nakayakap pa rin sa akin.

Doon napatahimik si Athena. I didn't dare to look at her because if I did, iiyak na naman ako.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang taong kanina pang binabanggit ni Athena. Napalingon ako kay Athena na nakatulala na ngayon sa babaeng dumating. She's looking at her with loving gaze kaya naman naluluha akong napayakap muli kay mama.

"Cara, babe..." she mumbled.

Tahimik akong napaiyak at mahigpit na napakapit sa dress na suot ni mama.

Kaagad na lumapit si Cara kay Athena. Iniwas ko ang tingin sa kanila at nagpasyang tumayo. Ayoko na rito, gusto ko na lang umuwi.

"Ma..." I whispered. "Uuwi na po ako," dagdag ko pa habang nakatungo. Nanlalabo pa rin ang paningin ko dahil sa walang tigil na pagbuhos ng luha sa mata ko.

I should be happy now that she has woken up, but I just can't. Although I'm relieved she's fine and alive. How can I be happy after discovering she couldn't even remember me? Pakiramdam ko ay nadagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. My heart is clenching in so much pain.

"Anak..." Nagmamakaawang tumingin sa akin si mama na para bang sinasabi na mag-stay ako rito. 

Umiling ako dahil hindi ko na kakayanin na makita pa silang ganito. Hindi naman ako manhid para piliing mag-stay rito. Tungkol naman sa kanila ni Cara, ewan ko na lang. Malaki na si Athena, alam na niya ang ginagawa niya. If she really love me, kahit na makalimutan ako ng utak niya, ako pa rin ang pipiliin niya. Pero kung kabaliktaran naman, tatanggapin ko na lang. 

The marriage between us is just for convenience. After all, this is just a loveless marriage. Nothing more, nothing less. 

"Get well soon, Athena. Let's have a talk at home when you get discharge," turan ko at maliit na ngumiti sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at walang kahit anong reaksyon ang mukha niya. Napunta ang tingin niya sa tiyan ko na kaagad din niyang iniwas at ibinalik ang atensyon kay Cara. Ngumiti pa ito rito at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ng isa. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now