Chapter 27

1.1K 52 10
                                    

Zehra Anais

"What's up, world!"

Nagulantang ako nang marinig ang nakakabinging sigaw ng kaibigan ko sa labas ng bahay. Anong ginagawa no'n dito? Dati bang kabute 'tong si Faith? Bigla-bigla na lang sumusulpot.

Napailing na lamang ako at saka ipinagpatuloy ang pagsasampay ng mga nalabhan damit sa gilid ng bahay. Housewife duties ba.

Mula rito sa laundry area, rinig na rinig ko ang mga yabag ng kaibigan ko pati na rin ang pagtawag nito sa akin. Nakalunok yata ng mikropono itong si Faith, nakakabingi ang boses.

"What's up, babe! The beautiful goddess is back!" sigaw niya nang makarating sa laundry area. "Miss me?" dagdag niya pa habang nakasandal ang ang isang kamay sa pintuan at nakapamewang.

I glanced at her in disgust. Goddess daw, eh mas mukha nga siyang alipin ng mga 'yon, char.

"Ano na namang ginagawa mo rito?" tanong ko, hindi tumitingin sa kaniya.

Ramdam ko naman ang pag-irap niya sa akin kahit nakatalikod ako sa kaniya.

"Bawal ka bang bisitahin? Bawal ka bang ma-miss?" she answered in a dramatic way.

"Bawal. Alam kong nandito ka lang para manggulo."

"Ang sama mo sa'kin, ha? Nandito nga ako kasi nami-miss kita. Hindi mo ba ako nami-miss?"

"Ako pa lolokohin mo, eh kagagaling mo lang dito kahapon. At oo, hindi kita nami-miss," saad ko.

She held her chest dramatically in front of me. "You hurt me! Hindi na ikaw ang best friend ko. Akala ko nawala na 'yang ugali mong ganiyan noong naging asawa ka ni Athena pero hindi pala!" kunwaring naiiyak na aniya.

Baliw talaga 'to. Kung pwede lang siyang dalhin sa mental, ginawa ko na. Kaso syempre, hindi ko magagawa 'yon kasi kaibigan ko siya.

"Tama ka na, bhie. Kotang-kota na 'ko sa kabaliwan mo."

"Magtiis ka, kaibigan mo 'ko eh."

"Ano pa nga bang magagawa ko?" I shrugged.

"Napakasama talaga niyang ugali mo," ulit niya sa sinabi kanina.

"Thanks. Dala-dala ko na 'to since birth. Tabi nga, mushroom, naglalaba ako eh," sagot ko bago siya tinulak nang mahina pagilid.

"Nasaan asawa mo?" tanong niya habang nakasunod sa akin.

"Nasa pwet ko, nagkakape," sarkastikong sagot ko.

"Weh? Pasilip nga?" sagot naman niya.

"Bawal makita. Lumayas ka nga sa harapan ko."

"Tanga, nasa gilid mo 'ko," rebat niya.

"Ewan ko sa'yo. Baka mamaya hindi kita matantiya't masipa kita palabas ng bahay."

"Tch. Bakit ba parang bad mood ka? Dinudugo ka na ba?" tanong niya habang nakasandal sa isang washing machine sa gilid ko.

"Hindi, katatapos ko lang. 'Tska ano bang paki mo? Trip ko ma-bad mood, eh," sagot ko sa kaniya.

"Weh? 'Di nga? Kilala kita, Zehra Anais."

"Malamang kilala mo 'ko, ilang taon na tayong magkaibigan, eh."

"Whatever." Umirap lamang ito sa akin at saka napabuntong-hininga, tila sumusuko na sa pakikipag-asaran sa'kin. Tama 'yan.

Ewan ko ba sa sarili kung bakit parang wala ako sa mood ngayon. Siguro dahil sa narinig ko kagabi. Para kasing naninikip dibdib ko sa tuwing naaalala 'yon. Masakit, bes.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now