Chapter 9

1.1K 61 6
                                    

Zehra Anais

Katatapos ko lang kuhanin ang mga sinampay at papunta na ngayon sa maid quarters para doon iyon ayusin at tupiin nang makita kong lumabas si Ma'am Athena mula sa office niya.

Ngayong hapon lang ito lumabas simula no'ng pumasok sila ni Ma'am Tiara sa office niya para mag-usap. Aayain ko na nga sana silang magtanghalian, kaso ayoko namang maka-istorbo sa pinag-uusapan nilang dalawa. Baka mamaya, importante pala 'yon.

"Oh, Zehra," tawag niya sa pangalan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Yes, ma'am? May kailangan ho ba kayo?" tanong ko.

"Ahm, is there a food? Nagugutom na kasi kami ni Tiara," aniya.

I nodded at her. Buti na lang ay madami ang iniluto ko kanina. "Meron ho, Ma'am Athena. Gusto niyo bang iinit ko?" tanong ko.

"Yes, please. And bring it inside the office," sagot niya at ngumiti sa akin bago naglakad ulit papasok sa office niya.

Nagtataka ko naman siyang tinignan. Parang may mali sa kaniya. Para bang pagod siya gano'n, tapos medyo paika-ika rin siyang maglakad. Nag-away ba sila ni Ma'am Tiara sa loob? Nag-wrestling, gano'n?

Aish. Bahala na nga. Dadalhin ko na nga muna 'tong mga damit sa maid quarters bago iinit 'yong pagkain nila.

Isa-isa kong inilapag sa tray ang mga pagkain matapos ko itong initin, pati na rin ang inumin nilang dalawa. Dahan-dahan ko itong binuhat at naglakad papunta sa office ni Ma'am Athena.

Nang makarating sa harap ng pinto niya ay tatlong beses akong kumatok. Nadinig ko naman mula sa loob ang paglalakad ni Ma'am Athena. Binuksan niya ang pinto at ngumiti sa akin nang makita ako.

"Here's your foods, Ma'am," ani ko bago ipinakita sa kaniya ang bitbit kong tray.

"Thanks, Zehra. Just place the tray there," aniya bago itinuro ang maliit na table na nasa harap ng isang white na mini couch.

Tumango naman ako at naglakad papasok sa loob. Hindi ko maiwasang manlamig dahil sa malakas na pagbunga ng malamig na hangin na nanggagaling sa aircon. Wews. Nasa Baguio ba 'ko?

Inilapag ko ang tray sa lamesa at isa-isang ibinaba ro'n ang mga pagkain at inumin.

Abala ako sa pag-aayos ng pagkain nila nang may mapansin sa aking gilid, kaya naman nilingon ko ito. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Ma'am Tiara na nakahiga rito at mahinang humihilik.

Eh? She looks tired and her eyes are also swollen. Umiyak ba siya? Yeah, I think so. Nakita ko pa kasi ang pagtulo ng isang butil nang luha galing sa kanang mata nito. Ano bang pinag-usapan nila at bakit ganito ang itsura niya?

Nang matapos sa paglalapag ng mga pagkain nila sa center table ay tumayo na ako. I gave Ma'am Tiara a one last glance before walking to where the door is. Ngumiti pa ako kay Ma'am Athena bago tuluyang lumabas sa office niya.

Naglakad ako papuntang kusina at inilapag do'n ang tray na hawak ko. Pagkatapos ay naglakad naman ako papunta sa kwarto ko, ngunit napatigil nang may maalala. Oo nga pala, magpapaalam nga pala ako kay Ma'am Athena.

Maglalakad pa lang sana ako papunta sa office ni Ma'am Athena nang biglang tumunog ang telepono na nasa sala. Kaagad naman akong naglakad papunta ro'n at saka ito sinagot.

"Hello, this is Sinclaire's residence, how may I help you?" sambit ko sa telepono.

["Who are you?"] tanong ng nasa kabilang linya.
Napakalalim ng boses nito kaya nalaman ko kaagad na lalaki ang kausap ko sa kabilang linya. Nakakatakot din ang way ng pagsasalita niya. Pero sino siya? Kakilala ni Ma'am Athena?

Loveless MarriageDonde viven las historias. Descúbrelo ahora