Chapter 18

1K 53 4
                                    

Zehra Anais

Pang-limang beses ko nang napapabuntong hininga. Hindi mawaglit sa isip ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Sunod-sunod kasi ang surpresang dumadaan sa buhay ko.

Hindi rin mawaglit sa isip ko ang pangyayaring naganap noong nakaraang araw. Nag-propose sa akin si Athena sa loob ng isang mamahaling restaurant, sa harap ng mga taong abala sa pagkain ng kani-kanilang hapunan. Talaga namang nagulat ako sa pangyayaring 'yon dahil hindi ko talaga siya ine-expect.

Hello, alam ko namang palabas lang 'to— I mean, matatapos din 'tong kasal-kasalan na 'to pero grabe naman kasi. Nag-abala pa talaga si Athena bumili ng isang mamahaling singsing.

After din no'n napag-usapan namin 'yong magiging set-up. Of course, nagbigay siya ng contract kung saan nakasaad 'yong mga rules, benefits, at ibang mga bagay na tinatamad na akong sabihin. Hindi ko nga rin alam ang mararamdaman ko nang mabasa 'yong nakalagay sa dulong, "No strings attached." 

Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi may kumirot sa akin tapos parang nalungkot ako sa hindi malamang dahilan. Letse. Ang gulo ng feelings ko, parang buhok ko sa ano.

I also decided to tell Faith that I'm already engaged earlier. Nagulat siya which is normal na reaksyon naman talaga kapag nalaman mong engage na ang bestfriend mong wala namang kajowa-jowa. At hindi nga ako nagkamali dahil papunta na siya ngayon dito.

I glanced at the wedding ring that I'm wearing and let out a sigh. Dios mio. Tama ba 'tong gagawin ko? Lord, guide me, please.

____

"What the freak, Zehra! Please tell me that you're just playing with me!" malakas na sigaw ni Faith sa akin habang nanlalaki ang mata.

Kararating lang niya at iyan kaagad ang bungad niya sa akin. Bruhang 'to, hindi man lang ako kinamusta muna. Parang hindi kaibigan eh.

"Grabe ka naman makasigaw, Faith! Nasa'n ba ang kausap mo? Hindi ba't nasa tabi mo lang? Susuntukin kita riyan, eh!" sermon ko rito bago siya inambahan ng suntok.

"Tska pwede ba? Alam ko namang nakakagulat ang sinabi ko sa'yo kanina sa tawag, pero pwede bang kumalma ka muna? Hindi 'yong iyan kaagad ang ibubungad mo sa akin!" naiinis na dagdag ko pa.

Faith pursed her lips before sitting beside me. Pekeng itong ngumiti bago nag-peace sign sa akin. She even mouthed "sorry".

Nang kumalma siya ay saka ko ikinuwento sa kaniya lahat ng nangyari sa resto. Nakanganga lang siya buong magdamag habang nagkukwento ako, hindi makapaniwala sa ikinukwento ko. As expected.

"Let me see the ring!" she excitedly said nang maka-recover sa pagkagulat.

Ipinakita ko naman ito sa kaniya at labis ang pagkamangha niya habang inoobserbahan ang suot kong singsing. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo niya habang nakatitig sa singsing.

"Wait, this ring is familliar with me," bulong niya na narinig ko naman.

"Huh? Nakita mo na ba 'to rati?" tanong ko.

"Yes but, I don't know where or when. Let's forget about it. Anyway, this ring looks so expensive. Ang ganda rin ng design," namamanghang aniya.

"Tama na nga." Inilayo ko ang aking kamay sa kaniya, "Baka mamaya hablutin mo na 'to eh. Kanina ka pa nakatitig."

"Hoy, grabe ka! Nagagandahan lang ako!" singhal niya.

"Anyway, Zehra, I have a question," saad niya.

"Ano 'yan?"

"What if you suddenly fell in love with Athena? Anong gagawin mo? 'Di ba nakalagay ro'n na no strings attached daw?"

Loveless MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon