Chapter 20

1.2K 58 7
                                    

Zehra Anais

Kanina pa nagpapawis ang mga palad ko sa sobrang kaba. Papasok na kami ngayon ni Athena sa gate ng bahay nila. I'm going to meet her parents, at hindi ko alam kung ano ang ugali nila.

Hindi ko naman maiwasang mamangha sa napakagarbo at malaking itim na gate nila.
May nakaukit na malaking 'S' sa gitna ng gate, which stands for their surname, Sinclaire.

Bumukas ang gate at sinalubong kami ng dalawang gwardiya. Mukha matanda na ang isa habang tila nasa 30's pa ang isang gwardiya. They bowed at our car which I found weird.

Itinigil ni Athena ang sasakyan namin sa isang malaking garaheng puro hilera ng mga mamahaling sasakyan. Shocks, sobrang yaman nga nila talaga.

"Do I look good, Athena? Pangit ba 'tong dress na suot ko? How about my hair? Mayro'n bang buhok na nakatakas sa ipit ko? My face, maayos ba ang mukha ko? Ano? Answer me!" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Ninenerbyos talaga ako, malala.

"There's nothing to be nervous about, Zehra. Calm yourself down, okay? You're with me," nakangiting sambit niya.

Hindi ko alam pero kahit papaano kumalma ako nang kaunti no'ng makita ang ngiti niya. There's something about her smile that makes me feel good and relaxed whenever I feel something unpleasant.

What the eff? Napa-english na naman ako. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi na yata tama 'to. May kutob na ako sa nararamdaman ko para sa babaeng 'to. Nagsimula siya no'ng magkahalikan kami bigla. I felt something that day. Aminado akong medyo manhid ako at denial minsan pero dito, pakiramdam kong sure na sure ako sa nararamdaman ko sa kaniya.

I think, I like her already. 

I think pa lang naman but, if my hunch is right about what I am feeling towards this woman then, maybe I'll just let my feelings go with the flow. I won't stop my feelings from growing. Kahit naman pigilan ko naman siya alam kong hindi mangyayari lalo na't nasa iisang bahay lang kami at araw-araw magkasama. I will not going to confess, though. I'll just keep it to myself.

Less pain, 'di ba?

"Hey, Zehra, you okay?"

Napabalik ako sa sarili nang marinig siya. Nakababa na pala ito sa sasakyan at nakatayo na sa gilid ko habang hawak ang nakabukas na pinto. Lutang na naman ako.

Lutang moments ni Zehra.

"I-I'm fine," I stuttered.

Lumabas na kaagad ako sa kotse. Inayos ko pa ang suot kong bestida dahil baka nakusot na ito.

"Ate Thena?"

Sabay kaming napalingon ni Athena kung saan nanggaling ang boses na 'yon. Alam kong hindi ako tinawag pero bet ko kasing lumingon tska curious ako kung sino 'yong nagsalita.

May dalawang babae ang nakatayo sa harap namin. Matangkad sila pero mas matangkad pa rin kami ni Athena. Pareho silang nakasuot ng bestidang magpareha rin ang estilo ngunit, magkaiba ang kulay. Maiksi ang buhok ng isang babaeng nakasuot ng lilac na bestida, habang ang katabi niya ay mayroong mahabang buhok na nakasuot naman ng apricot na bestida.

Inobserbahan ko ang mukha niya at napagtantong kambal sila dahil magkamukhang-magkamukha silang dalawa. Sa tingin ko rin ay nasa eighteen na sila dahil ang tangkad nila. Ang matured din ng itsura nila pareho.

"Kaylee? Kylie?" gulat na sambit ni Athena.

"Ate?" sambit naman ng babaeng mahaba ang buhok.

"Kaylee?" ani Athena.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now