Chapter 14

1K 53 3
                                    

Zehra Anais

Kinabukasan, medyo na-late ako ng gising dahil sa kakaisip kung sino ba ang Cara na binanggit ni Ma'am Athena kagabi. I mean, Ma'am Athena has a girlfriend, right? Si Ma'am Tiara, so sino 'yong Cara na 'yon? Tapos inalok niya pa ako ng kasal?

Womanizer ngang talaga. 

"Bahala na nga! Sumasakit lang ang ulo ko sa kakaisip do'n! Tska bakit ko rin kasi iniisip 'yon?" bulong ko bago ipinagpatuloy ang pagluluto ng egg soup. 

Naalala ko kasing lasing nga pala ang amo ko kagabi at paniguradong may hang-over 'yon mamaya pagkagising kaya nagluto na 'ko ng pwedeng pantagal ng hang-over niya. Naglabas na rin ako ng gamot pang-alis sa sakit ng ulo, panigurado rin kasing magrereklamo 'yon mamaya na sumasakit ang ulo niya.

Nang matapos ako ay inihanda ko na ito sa lamesa kasabay ng ilang pagkain na niluto ko. Naglagay na ako ng plato, utensils, at baso sa pwesto niya bago inilapag din doon ang tinimpla kong orange juice.

Sakto namang natapos ako ay siyang pagpasok ni Ma'am Athena sa dining room. Nakabihis na ito at nakakunot ang noo niya habang abala ang isang kamay sa paghilot sa kaniyang sentido. Naririnig ko pa ang mahihinang reklamo niya. Kesyo ang sakit-sakit daw ng ulo niya at parang mabibiyak na raw.

"Good morning, ma'am. Kamusta tulog mo?" bati ko sa kaniya. I smiled at her widely.

She looked at me and just gave me a slight smile. "Good morning, too, Zehra. To answer your question, I'm not okay because my head is aching. I feel like my head is going to tear apart," sagot niya sa akin.

Napa-irap ako sa aking isip. Inom pa. That's what you get for drinking too much alcohol. "Gano'n ba, ma'am? Bakit hindi mo kainin 'tong soup na ginawa ko? Niluto ko 'to para mawala ang hang-over mo. Mayroon ding gamot akong inihanda pantanggal ng sakit ng ulo," sambit ko sa kaniya.

"Really? Thanks," she said and sat on her chair.

Kinuha naman niya ang kutsara na nasa tabi ng mangkok. I watched her and waited for her reaction as she tasted the soup that I made for her. First time kong magluto no'n kaya kinakabahan ako sa magiging lasa niya. Hindi ko naman kasi siya tinikman kanina eh. Pero amoy lucky me chicken noodles siya.

"Woah, this is good!" she exclaimed.

I smiled. "Really? I'm glad that the soup tastes good. Akala ko kasi ay maalat, hindi ko pa naman tinikman 'yan kanina."

"No, it's really good. Why don't you try and taste it? Judge the soup that you made," aniya.

"Okay, I'll go get a spoon first," I said.

"No, just use this spoon," pagpigil niya sa akin bago inabot ang kutsara na ginamit niya.

I gave her a questioning look. "Why?" I asked.

Nagkibit-balikat lang ito sa akin. "What's wrong with that? Ayaw mo ba? Wala naman akong kahit anong sakit," sambit niya sa akin.

"No, it's just... why are you letting me use your spoon?" tanong ko. Hindi ko naman sinasabing laway conscious siya pero malay mo kasi 'di ba?

"Well, since you're going to my wife soon... Ahm, bakit hindi 'di ba?" sagot niya habang nagkakamot ng pisngi at wala sa akin ang tingin.

Napakunot ang aking noo dahil sa tinuran niya. "Huh? Sino naman nagsabi sa'yong papayag ako na pakasalan ka at maging asawa mo?" tanong ko.

Her expression quickly changed. She's looking at me with a questioning eyes at tila hindi inaasahan ang magiging sagot ko. Para bang tinatanong niya kung seryoso ba 'ko sa sinabi ko o hindi.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now