Chapter 44

1K 38 12
                                    

    TOSCA

           Tumango ako at pumasok ng elevator at doon ko lang napagtanto kung ano ang relasyon ng matanda kay Scor. She kept on calling me Cheska. I think she is her grandmother. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa selos o kung anuman, kundi dahil sa takot na baka may mangyaring masama kay Scor. If he's gonna bring the elderly home, he's gonna meet Jojo. Ayokong may masamang mangyari sa kanya kaya pagka pasok na pagka pasok ko ng unit at inilock ko ang pinto at tinawagan siya.

"Tosca, I'm driving. Mag-pahinga ka na. Babalik din ako kaagad." Sabi niya kaagad pagkatapos palang ng ilang rings.

Inilapag ko sa sahig ang iba kong gamit at sumalampak sa couch.

"Hihintayin kita. Mag-ingat ka ah." Sagot ko naman.

Paano ba naman kasi ako makakatulog kung ganitong nag-aalala ako sa kanya. Hindi ko na nagawang i-unpack ang mga gamit niya dahil sa pag-aalala. Parang na stuck lang ako doon sa sofa habang ina-anxiety ng malala. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang lumipas pero saka lang ako nung tumunog ang pinto ng condo niya. Senyales na nakabalik na siya.

Napatayo ako kaagad sa sofa.

"H-how is it?" I asked.

"Hinatid ko na pauwi si Lola. Her good for nothing nephew is drunk as usual." Aniya sa isang dismayadong tono.

Nag-lakad siya patungo sa sofa at sumalampak sa tabi ko. Nakabukaka siya at naka patong ang parehong braso sa arm-rest na parang pagod na pagod. Mukha nga. Kanina pa siya nag da drive eh, tapos hinatid niya pa si lola. Umupo ako sa tabi niya at hinarap siya.

"Madalas kong nakikita dito noon si Lola. Is there any reason why she keeps on coming back here?" Matamang tanong ko.

"Hindi ko talaga alam, Tosca. She has Alzheimer's. Hindi lang naman siya dito sa building naliligaw. Kung saan-saan din siya napapadpad dahil sa sakit niya." Sagot naman niya.

Hinigit niya nang may pag-iingat ang pala pulsuhan ko para mailapit niya ako sa kanya. Huminga siya nang malalim nang mag-lapat ang mga katawan namin. His warmth gave me so much comfort that I felt like falling asleep.

"Hindi mo pa kini-kwento sa akin ang buong istorya, Scor. You can tell me na. I promise I won't get mad or jealous." Sabi ko.

Investing a lot on yourself will teach you a lot of thing. Especially being secured about yourself and your relationship. At isa pa, hindi ko na dapat pang pag-isipan ng masama ang isnag taong wala na dito sa mundo.

"I'd love tell you about it, but are you up for it?" Tanong niya.

"Hmm. Alright. Maybe after I take a shower. Pagod at inaantok na din ako." Sabi ko. Mamaya ko nalang siguro siya tatanungin, pampatulog ko na din.

Tumayo na ako at hahakbang na sana pero mabilis niya akong pinigilan.

"Teka! S-sama ako!" Parang batang bulalas niya.

Natatawang napa irap nalang ako sa kawalan at saka sumenyas para sumunod na siya sa cr. Pagod man sa inyong paningin, lalaban pa din!

Pagod na pagod akong bumagsak ng padapa sa kama pagkatapos kong isuot ang nahugot kong puting t shirt ni Scor. Ni hindi na ako nakapag underwear sa sobrang antok ko. Yung quickie na sinasabi niya, hindi quick!

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now