Chapter 24

3.2K 90 13
                                    

SPG

TOSCA

"Buti nalang madami akong extrang damit." Sabi ko nang huminto ang sasakyan niya sa basement ng condo.

1:30 am na kasi kami nakarating ng Makati. Ayaw na niya ako ihatid sa bahay tapos nag lambing pa na gusto niya pa daw akong makasama. Eh siyempre, marupok ako kaya ayon sumama ako.

"Gusto mo din naman eh." Pambabalik asar niya sa akin.

Pinihit niya ang susi ng sasakyan at mabilis na hinugot iyon. Sinulyapan niya ako.

"Mauna ka na sa elevator. Kukunin ko pa mga maleta." Sabi niya.

"Okay. Bilisan mo ah." Sabi ko sabay baba na ng sasakyan.

Gentleman talaga siya. Alam niyo 'yung maginoo pero medyo bastos? Ganun. Ganoong ganoon siya. Ang bilis nga magpalit ng mood niya eh minsan maharot tapos bigla nang sasama tingin niyan. Ewan, mahirap siyang basahin pero gustong gusto ko pa din talaga siya.

Tumayo ako sa harap ng elevator at hinintay siya doon. Saglit lang naman siguro siya. Habang nakatayo ako ay may napansin akong isang matandang babae na nakaupo sa may gilid noon. Nakayuko siya sa kanyang tuhod. Hindi naman siya mukhang pulubi maayos naman ang kanyang pananamit at may tsinelas naman siya.

"Nay? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko kahit na iniisip kong baka tulog siya.

Ilang sandali pa ay nagtaas siya nga mukha at nakita ko ang mukha ng isang matandang pagod na pagod. Naisip kong baka may kailangan siya.

Kumurap siya at hindi nagtagal ay tumayo at lumapit sa akin. I got a little creeped out when she reached for my face. Iniwas ko ang mukha ko ay natakot na talaga ako pero biglang naluha ang matanda.

"A-apo... Apo ko." Aniya.

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

Baka naman mentally challenged si lola? Lalo akong naawa. Matanda na siya at mag-isa lang tapos may sakit pa siya. Dudukot sana ako sa maliit na bag ko pero naalala kong iniwan ko pala sa kotse ang wallet ko. Tinanaw ko kung nandiyan na sa malapit si Scor pero wala pa din siya.

"Cheska... Apo ko." Paulit ulit na sabi ng matanda.

"Lola hindi po ako ang apo niyo." Mahinahong paliwanag ko.

Narinig ko ang mga yapak ni Scor at ang pag gulong ng maleta sa daan. Ume-echo iyon dahil parking lot itong basement.

"Tosca!" Matigas na sigaw niya nang mapansin niyang may kausap ako.

Binilisan niya ang lakad niya hanggang sa makalapit na siya sa amin.

"Scor, may cash ka ba diyan? Kawawa naman si Nanay..." Sabinko pagkalapit niya.

"S-scor! S-si Cheska... Tingnan mo..." Namamaos na sabi ng matanda.

Teka kilala ni Scor ang matanda? Nagpapalit palit ang tingin ko sa kanila. Siyempre curious ako kung magkaano ano sila.

"Lola Linda, bakit po kayo nandito?" Baling niya sa matanda.

Parang hindi siya mapakali na ewan. Tapos parang nagmamadali pa siya.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now