Chapter 19

3.4K 117 35
                                    

Kanina pa ako naghihimutok dahil hindi ko matagalang katabi ko si Scor. Well, ito naman ang gusto ko mangyari kaso parang may mali. Feeling ko ginagawa niya lang to para paglaruan ang damdamin ko and I am just so sick of it!

"Tos, refill?" Tanong sa akin ng katabi kong si Xander.

"Yeah." Tumango ako sabay abot sa kanya noong baso ko.

Sa sobrang inis ko ay hindi na ko nag che chaser. Iniinom ko nalang ng diretso ang Jack Daniels na para bang ma reresolba noon lahat ng problema ko.

"Oh, easy." Narinig kong sabi ni Scor sa tabi ko.

Tinitigan ko siya ng masama habang siya ay tuwang tuwang nakikipag usap sa mga kaibigan niya. Hanggang sa napansin niya siguro na kanina pa ko nakatitig sa kanya, sinulyapan niya ako ng patagilid sabay nag taas ng isang kilay. Automatic na umikot ang mata ko. Para kasing nang aasar pa ito. Padabog akong tumayo.

"San ka pupunta?" Hinablot niya ang pala pulsuhan ko.

"Let go! I can't stand you and your stupid smirk anymore!" Malakas kong sabi.

Nag 'oooohhhh' sa tonong nang aasar halos lahat ng tao sa lamesa namin. Tumikhim siya bago ako matamang tinitigan.

"Umupo ka." Mahinahon niyang sabi.

Kabog ng kabog ang dibdib ko dahil gustong gusto kong tumanggi. Gusto ko siyang suwayin pero hindi ko magawa. Parang may sariling utak ang mga paa ko at ang pwet ko dahil kusang bumagsak sa upuan ang katawan ko.

What the actual fuck, Tosca? Wala ka na ba talagang natitirang dignidad? Ang gulo gulo ko na. Sarili ko na ang sinasalungat ko at wala akong ibang pwedeng masisi kundi ang sarili ko.

"Kapag ako ang katabi mo, hindi maipinta ang mukha mo? Pag iba, sobrang saya mo?" Tanong niyang may halong inis.

"Anong gusto mong gawin ko? Mag-mukmok ako habang buong magdamag at maghapon kang nakikipag lampungan sa Mary mo?" Halos mag usok na ang tenga ko sa sobrang inis.

"Hindi siya akin." Mahinang sagot niya. Sumisimple para hindi kami mapansin ng mga kaibigan niya.

Gusto ko pa sanang sumagot pero naisip kong wala din namang saysay. Hindi naman din siya makikinig sa akin. Wala naman din siyang pakialam.

"Gosh! I am so drunk! Nahihilo na ako." Tumayo ako at exaggerated na sinapo ang noo ko.

"Okay ka lang Tos?" Tanong ni Scarlette.

Lahat ng tao doon ay mukhang nag aalala maliban kay Scor na nakatingala sa akin at umiiling na para bang alam niya ang ginagawa ko.

"Kailangan ko lang magpahinga. You guys have fun. Good night!" Palusot ko at mabilis na sumibat doon.

Dali dali akong bumalik sa villa ko. Doon palang ako nakahinga ng maluwag nang makapasok ako sa loob. Pero halos atakihin ako sa puso nang may kumalang na kung ano sa pinto kaya hindi ko iyon masara.

I instantly knew that I am in deep shit. Scor followed me!

"Bakit mo ako sinundan?" I opened the door and I saw his handsome face with this dark aura.

"What? You changing you're scheme now?" Bahagyang kumunot ang noo nito na parang hindi niya akk ma figure out.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" I scoffed.

"I'm right. I know exactly what kind of a woman are you now." Mahinang sabi niya. Madilim ang mukha.

"Bakit? Anong klaseng babae ba ako?" Na provoke ang buong kalamnan ko kaya hindi ko naiwasang sagutin siya.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now