Chapter 2

4.2K 111 20
                                    

Tosca

Excited akong gumising ng maaga ngayon! May meeting ako with Clinton and Scor! Siyempre kailangan magpaganda ako ano! Kailangan ko ring magmukhang professional pero dapat magmukha din akong sexy.

Napili kong isuot ang isang all white na peplum dress isang itim na stiletto. Nag lagay ako ng make up na light smokey eye and I finished it with a bright red lipstick!

Nag ring ang telepono ko at nakita kong unknown number ang tumatawag. I don't usually answer unregistered numbers but my gut told me to answer the phone.

"Hello?" Tinitingnan ko ang mga kuko ko. I need a manicure.

"Where are you?" Baritong boses ang sunagot sa kabilang linya. Where did I hear this voice from?

"Uhm, sino 'to?" Tanong ko.

"Seriously? You don't know who I am?" Teka san ko ba talaga narinig ang boses na ito?

Nasa dulo na ng dila ko pero di ko masabi eh!!

"Kung sinasabi mo nalang kung sino ka edi sana tapos na tayo dito diba?" Nakaka irita ha!

"It's Scor." Napanganga kaagad ako nung sinabi niyang siya si Scor.

Automatic na nag karera yung puso ko eh! Sabi ko na nga ba kilala ko itong boses na ito. How could I forget his voice?

"Ahm. H-hi! Napatawag ka?" And where the heck did he get my number?

Nabuhayan ako ng dugo dun ah! Nanginig mga daliri ko, parang gusto kong magtatalon sa tuwa!

"There's only 15 minutes left before the meeting, bakit wala ka pa? Ganyan ka ba sa mga ka meeting mo?" I can imagine him looking so irritated! Hangang sa phone ang sungit pa din!

"Malapit lang naman ang restaurant dito. I'll be there in 10 minutes."

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at ang susi ng kotse ko! Ayaw niya ng late, hindi ako dapat ma late.

"Hello? Hello?" Hindi na siya sumasagot.

Pinindot ko ang down button ng elevator. Saka lang ako tumingin sa phone ko at ngumuso ako kaagad nang makitang putol na pala ang linya. Hindi man lang nag ba-bye. Hmp.

The restaurant is only a five minute drive kaya sigurado akong di ako male late. Palagi naman akong on time sa meetings ko, di nga lang kasing aga niya. Pagkarating konsa restaurant ay naghanap agad ako ng parking at nagmamadaling pumasok. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya. Nakita ko kaagad siya sa dulo. Ang gwapo niya sa suot niyang blue long sleeved polo na naka tuck in sa slacks niya.

"Hi!" Kumaway ako sa kanya nang nasa harap na niya ako.

Binaybay naman ng mata niya ang buo kong katawan mula ulo hanggang paa tapos bigla akong inirapan.

What? May mali nanaman sa suot ko? Corporate na ito ah!

Hinintay kong ipag urong niya ako ng upuan pero hindi naman siya natinag sa pagkaka upo niya. Kaya ako nalang ang nagpa upo sa sarili ko. Ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng restaurant pero di ko nakita ang pinsan ko.

"Nasaan si Clint?" Tanong ko sa kanya.

"He's not coming. Something came up." Kahit kailan ang sungit talaga. Tumango nalang ako at hindi na sumagot.

Kinuha ko ang menu at nag panggap na tumitingin ng pag kain. Kikiligin ba ako o ma o awkwardan? Nilalaro laro lang niya yung ballpen niya sa table pero pakiramdam ko sakin siya nakatingin.

"Oorder ka na?" Tanong ko.

Nagbuga siya ng hangin at tumawag ng waiter. Ang mahal mahal naman ng salita sa lalaking ito. Parang sasagutin lang yung tanong ko di pa magawa.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now