Chapter 12

3K 97 33
                                    

Nanliit ang mata ko nang makita kong nag tatawanan sa isang table ang dalawang babae, isang hindi pamilyar na lalaki, ang pinsan ko at si Scorpion. Hindi nakaligtas sa akin ang pagiging touchy ng isang babae sa Scor ko.

"I'm here! Sorry I'm late." Pag abala ko sa kanila.

Tumikhim si Scor at naging simangot ang kanina lang ay naka ngisi niyang ekspresyon.

"Why are you late, Tos? Late night?" Tumatawang tanong ni Clint.

"Yeah." Sagot ko bago inayos ang sarili ko.

We are having a meeting today with the three officer in charge at the clubs. Dalawang buwan bago ang grand opening. Ngayon ko lang ma mi meet ang mga ito. Mainit na kaagad ang dugo ko sa kulot na babaeng katabi ni Scor.

"We can finally start. Ang hirap talaga kapag may katrabaho kang iresponsable." Parinig niya sa akin.

Nag simula ang meeting at tahimik lamang ako dahil well, medyo napahiya ako eh. Wala naman din akong gaanong maiaambag sa mga ganitong meetings. Nakinig na lamang ako sa mg plano ni Scor para sa club na pinapasundan naman ni Clint.

Maayos naman ang naging takbo ng meeting maliban sa pag papalitan ng mga joke at tawa ni Scor at ng isang OIC na Mona pala ang pangalan.

"Scor! Can I hitch? Hanggang Trinoma lang." Untag ko kay Scor pagkatapos ng meeting.

"Out of the way ang pupuntahan mo. Ano nanaman bang gagawin mo doon?" Tanong niya sabay irap sa akin.

"Ah, wala. Shopping lang sana."

"Saan ba ang way mo Sir Scor?" Singit nanaman ng bwisit na Mona na ito. Can I fire her?

"Pa south ako." Sagot niya na may kasamang ngiti.

Kumirot ang dibdib ko. Never niya pa akong nginitian ng ganyan. Never pa siyang tumawa sa mga jokes ko katulad kanina. Kahit minsan ay hindi niya din ako pinuri.

"Ganun ba sir? Nako, baka naman ako pwedeng sumabay sir! Sa cubao lang po ako." Maarteng pakiusap niya kay Scor.

Mariin kong kinuyom ang kamay ko. Patience, Tosca. Walang wala namang binatbat sa'yo ang babaeng iyan.

"Sure!" Masiglang sagot niya.

Tuwang tuwa naman si Mona dahil naka libre pa siya ng pamasahe pauwi! At oo nga naman, crush niya pa ang mag hahatid sa kanya.

"What? Paano ako?" Hindi ko natago ang brattiness sa tono ko.

"Mapapalayo ako kapag hinatid pa kita. Nasaan ba ang kotse mo?" Seryoso niyang sabi sa akin.

Kapag ibang babae, nangingitian at naaka biruan niya ng ganoon? Itong si Mona, empleyado niya lang naman pero mas pinili niyang siya ang ihatid kesa sa akin. It's fine, Tosca. Baka hindi lang talaga siya maka tagal sa presensya mo.

"It's in the..." Tumigil ako sa gitna ng sasabihin ko dahil na realize ko na wala din namang sense.

It doesn't matter. Kahit ano pang sabihin ko ay hindi pa din naman niya ako ihahatid dahil ako ito. He hates me.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now