Chapter 7

3.1K 95 20
                                    




Nakapikit pa ako pero ramdam ko nang parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Ahh. Shit! Nasusuka ako. Itutulog ko nalang ito ulit. Hindi ko alam kung ilang oras pa akong nakapikit pero unti unti din nagising ang diwa ko.

"Bumangon ka na diyan. Tanghali na." Kahit masakit ang ulo ko ay bigla akong napadilat nang may marinig akong lalaking nagsalita.

Sino 'yon? Shit! Sumama ba ako sa isang lalaki kagabi? Mariin akong pumikit at pilit na inalala ang mga pangyayari kagabi. I just remembered little fragments from last night. Hindi ko maalala kung may sinamahan akong lalaki o wala. Unti unti akong dumilat only to see Scorpion standing beside my bed. Naka halukipkip at nakasimangot.

Nag isip na ako kaagad ng pwede kong palusot. Mukha kasing galit na galit siya. Ano ba? Paano siya nakapasok dito? Pinapasok ko ba siya kagabi? May nangyari ba sa amin? Feeling ko naman wala eh, naka damit pa ko na suot ko kagabi at hindi naman masakin ang anez ko.

"W-what are you doing here?" Nang mag salita ako ay pumintig ang sentido ko. Hinawakan ko 'yon.

"Iyan ang napapala ng lasinggera. Oh. Inumin mo." Binato niya sa harap ko ang isang banig ng Medicol. Tumulala lang ako sa kanya.

Kinamot niya ang noo niya bago tinuro ang table at may malamig na tubig doon. Ininom ko nalang ang gamot. Kinilig ako ng sligt eh. Feeling ko inaalagaan niya ako.

"Thank you. But what are you doing inside my room?" Tanong ko habang nag iipit ng buhok. Medyo nasusuka ako at umiikot din ang paligid ko.

"Are you serious?" Parang di makapaniwalang tanong niya. Inis na inis nanamang ang itchura.

"Sorry wala akong matandaan." Nag peace sign pa ako sa kanya.

"This isn't your room. Look around." Masungit na sabi niya bago ako iniwan at nagpunta sa veranda niya.

At saka lang ako natauhan. Pareho kaming suite pero magkaiba ang ayos ng room na ito kesa sa room ko. Hindi nga ako dito. Shit. Aalis nalang ako bago pa sumabog ang inis sa akin ng lalaking ito. Hinanap ko ang bag ko at nakita ko iyon sa couch. Naka tip toe ako habang nag lalakad na parang magiging invisible ako pag ginawa ko 'yon. Malapit na ako sa pinto nang biglang nagsalita si Scor.

"Where are you going?" Pumikit ako ng mariin bago ako lumingon. Pinilit kong ngumiti pero sure ako na hindi maipinta ang mukha ko ngayon.

"Ano- uhm... Balik na ako sa ano- sa room ko. Hehe." Hilaw akong tumawa at nagkamot ng ulo.

"Gawain mo ba talaga iyan?" Tanong niya habang relax na nakaupo sa pabilog na dining table sa veranda.

"Ha? Ang alin?" Tanong ko.

"Sumama sa isang lalaki at pagkatapos ay sisibat kinabukasan?" Nakita ko ang nanunuya niyang ekspresyon.

Anong problema niya? Hindi ko naman sinabi sa kanya na dito niya ako patulugin. I mean, I get it. I am a bit liberated. Okay sige hindi bit. Super liberated. Pero hindi naman ako sumasama sa kung sino sinong lalaki.

"I don't just go with anyone, Scor." Sagot ko.

I'm sure sumama ako sa kanya dahil siya iyon. I don't just go around and spend night on other people's home.

"Really, huh? Then where are you going?" Magkasalubong ang kilay niya at medyo naka kunot ang noo.

"Sa room ko nga. I need to shower. Diba pupunta tayo sa site?" Sabi ko naman.

"Oo. Is that your way of thanking the person who took care of you last night?" Tumagilid ang ulo niya at nakita kong huminga siya ng malalim.

"Okay. Fine! Thank you! Okay na? Pwede na ako umalis?" Sa totoo lang ay medyo nahihiya din ako.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now