Chapter 27

2.9K 80 6
                                    


TOSCA

Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito? Pakiramdam ko perfect na ang lahat. Halos hindi ko napapansin ang mabilis na paglipas ng mga araw. Parang habang patagal ng patagal, lalo kong minamahal si Scor. Ngayon nga ay nandito ako sa unit niya. Madalas dito ako natutulog, o di kaya ay siya naman ang nag s-sleepover sa condo ko.

Pareho naman kaming walang day job eh. Maliban doon sa bar na mina manage niya. I'm more of a silent partner kasi. Pinaubaya ko na iyon kina Clint. So far, maayos naman. I'm having the best tine of my life. Nag pa plano na nga ako para naman ss first vacation namin together as a couple. Saan kaya magandang magpunta? Bali? Maldives? Paris?

"Hey babe." Bati niya sa akin.

Nandito kasi ako sa terrace ng unit niya. Kakatapos lang namin mag lunch eh. Kaya eto, nag-ssmoke ako.

"Oh? Tapos ka na maghugas? Ang bilis ah." Sabi ko nang natatawa.

Kinuha niya din ang pakete ng marlboro lights niya sa lamesang nandoon at saka nagsindi.

"Mabilis lang naman talaga eh. Wala kang lakad mamaya?" Tanong niya.

"Wala naman. Bakit?"

"Eh nag yayaya sila Clint gumimik. Friday night eh." Sabi niya.

"Oh sure! Daan muna tayo sa bahay kasi wala akong pang-alis dito."

"Sabi ko naman kasi sa'yo magdala ka na ng madaming damit dito para di na tayo nahihirapan." Humahalakhak na sabi niya.

Inirapan ko lang siya bago idinikdik ang sigarilyo ko sa ashtray na naroon. We spent the whole day watching t.v. and having a little chit chats. Paminsan minsan ay naghaharutan kami. Hanggang sa mag alas kwatro na ng hapon ay nagpasya kami na umalis na pabalik ng unit ko. Baka kasi ma traffic pa kami.

"You ready?" Tanong niya habang chine check kung nakatanggal lahat ng saksakan sa unit.

"Yeah." Lumapit ako sa kanya at hinintay siyang matapos.

Nang masiguro niyang maayos na ang lahat ay nauna na siyang lumabas ng unit. Dala dala niya 'yung isang malaking duffle bag na may lamang mga maruming damit ko.

"I like your shampoo." Bigla niyang sabi habang nasa elevator kami.

"It's vegan." Nangingiting sagot ko.

"Paamoy nga ulit." Hinapit niya ako at malakas niyang inamoy ang buhok ko. Hinalikan niya pa ako ng saglit doon at bumukas ang elevator.

"'Yan na susuotin mo mamaya?" Tanong ko.

"Yup." Maiksing sabi niya habang nagmamaniobra palabas ng parking lot ng condo.

"Alright." Tango ko at nag scroll sa cellphone ko.

Plano ko kasi sanang ipares sa suot niya ang suot ko mamaya. Naka navy blue na polo shirt siya at pants and sneakers. Inisip ko kung may ganon din akong kulay ng damit pero sa tingin ko naman ay meron. Ilang minuto naming binaybay ang edsa bago kami nakarating sa condo ko.

"Babe, mauna ka na. Hintayin mo ako sa elevator. Kukunin ko lang mga bag mo." Aniya pagkaparada niya sa basement.

"Alright." Lumapit ako para halikan siya sandali at sinunod na din ang utos niya.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon