Chapter 15

3.1K 141 21
                                    

A/n: hi guys! help me raise the rating of TTIHAY by clicking the star and leaving a comment below. Thank you :)


Mabilis akong hinarangan ni Scor at sa isang iglap ay nasa likuran na niya ako. I peeked beside hime only to find Rob looking at Scor like a maniac!

"Umalis ka na kung ayaw mong ipakulong kita." Maiksi ngunit mapanganib na utas ni Scor.

"Oh. Teka lang pre. Kinakausap ko lang naman si Tosca. Wala naman akong masamang intensyon." Tila nang aasar pang sagot ni Rob.

"Bakla ka ba? Bat ayaw mong tigilan 'to?" Maangas na tanong ni Scor. Medyo humakbang siya palapit pero mabilis kong hinawakan ang braso niya.

Rob looks dangerous! Mahirap na at baka mag pang abot sila. Hindi ata kakayanin ng powers ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Tosca! Paalisin mo na nga itong boytoy mo! Tell him that you're mine!" Sigaw ni Rob.

This time, nakakahakot na siya ng atensyon mula sa ibang tao. Ang dami nang lumilingon sa amin at nakikita ko na din ang pag bubulung bulungan ng ilan. Sinubukan akong lapitan ni Rob pero marahas siyang tinulak ni Scor. Ngumisi lang si Rob at tataw tawang umiling.

Bumuga ng malakas na hangin si Scor at pinagtawanan si Rob. Pati ako ay takang takang tumingin sa kanya.

"She's mine, bro. I know it and she knows it." Nang uuyam na sabi ni Scor.

Kinuha niya ako mula sa likod niya at inakbayan. Kitang kita ko na ngayon si Rob. Kitang kita ko kung paano napalitan ng ibang ekspresyon ang kanina'y mayabang niyang hitsura.

"A-ano, Tosca? Napalitan mo agad ako? Ganon nalang iyon ha?"

"Rob please naman. Wag ka nang gumawa ng gulo. It's been a year! And it's true. Boyfriend ko siya." Tinuro ko si Scor.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Rob sa akin ay kay Scor. Nakita ko ding nangingilid ang luha niya na para siyang baliw.

"No. Di ako papayag Tosca. Remember this?" Tinaas niya sa akin ang cellphone niya.

Nanghina ang tuhod ko nang makita kung ano ang tinutukoy niya. It was a video of us making out. I look so slutty in the camera. Tumatawa ako habang naglalandian kami ni Rob. Matagal na ang video na iyon. Noon pa iyon nong kami pa. Lasing na lasing din ako niyan. Oo na, tanga na kung tanga! But it was jus a video of us making out, it's not like we're having sex or something.

Hahablutin ko sana ang cellphone mula sa kanga pero mabilis niyang naiwas iyon. Tumawa siya at binulsa ang cellphone niya. Bumaling siya kay Scor.

"Paano mo nasabing sa'yo siya kung last week lang ay kasama ko siya?" He scoffed.

Ha? Anong last week pinagsasabi ng gagong 'to? Eh nung isang taon pa kaya yan! Diyos ko, hindi ko pa nga kilala si Scor niyan.

Namumutla ako nang lingunin ko si Scor. Hindi niya ako tinitingnan at masama lang ang tingin niya sa tumatawang si Rob. Hindi ko nagawang ipag tanggol ang sarili ko dahil sa halo halo na ang nararamdaman ko. Nauurat ako kay Rob ngunit kinakabahan naman ako sa reaksyon ni Scor.

"She's a slut. But that's exactly what I love about her!"

Suminghap ako nang sa isang iglap ay nasa sahig na si Rob. Hawak hawak ang panga niya. Sinapak siya ni Scor! Iyong itsura niya ay parang gigil na gigil siya kay Rob.

Kinwelyuhan niya si Rob at dinuro. "You don't call her a slut!" Sinapak niya ulit si Rob at tinamaan ito sa bandang mata.

Parang magic naman na nagsidatingan sina Clint at na may kasamang security. Dinamba ng isang bouncer si Rob pero tumatawa pa din siya na parang baliw. Hindi ko makakalimutan na sa gitna ng kaguluhan ay nagawa niya pang makapag bitaw ng isang banta.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now