Chapter 25

3.4K 85 11
                                    


TOSCA

"Hello?" Sagot ko sa phone ko nang makitang nag riring iyon at si Scor ang tumatawag.

"Where are you?" Tanong niya.

"Sa bahay lang naman ako pero may guesting ako mamaya sa Urban. You want to come?" Yaya ko sa kanya.

"Susunod nalang ako, Tos. Galing pa ako sa office."

"Sa office ng Dad mo?" Tanong ko.

"Oo, may pinaayos lang."

"Okay. I love you."

Narinig ko ang mahinang pag halakhak niya sa kabilang linya bago sinagot ang i love you ko.

"I love you too. See you later."

Dalawang buwan na simula nang bakasyon namin sa Iloilo. Nag grand opening na din nga iyong mga branches ng club namin at dahil maganda ang feedback ay baka magtayo pa kami ng ilang branch all over Manila.

Wala akong masabi kay Scor at kung paano niya ako itrato at alagaan. Akala ko dati paghihigpitan niya ako sa mga bagay bagay pero hindi. Kapag nag-papaalam ako ay pinapayagan niya kaagad ako. Kapag may gig ako or guesting at mall show, nagugulat nalang ako dahil bigla siyang lilitaw doon. Wala na talaga akong masabi kasi alagang alaga naman siya sa akin.

Iyon nga lang, ako na din ang napapagod sa sarili kong trabaho. Kapag kasi hinahalik halikan na niya ako parang gusto ko nalang mag kulong sa kwarto kasama siya.

"Tosca! Nangingiti ka nanaman diyan. Ganyan ba talaga kapag inlove?" Bigla akong sinigawan ni Rita habang inaayusan ako para sa isang clinic endorsement.

"Gaga! Ganyan talaga kapag na-virginan na." Ani Mori.

"Pano mo naman nalamang virgin ako, Mori? Siguro may pagnanasa ka talaga." Binalingan ko si Mori at nang-asar.

"Kilabutan ka nga diyan, Tosca. Kalbuhin kita diyan eh." Inis na sabi niya.

Inirapan ako ng bakla at padabog na hinila ang buhok kong kasalukuyang kinukuloy niya. Napa aray talaga ako tapos inirapan niya lang ako.

"Power couple talaga kayo niyang jowa mo no?" Sabi ni Roxy habang nilalagyan ako ng make-up.

"Bakit naman?" Natatawang tanong ko.

"Eh kita mo, maganda ka tas gwapo 'yun. Nako! Nag va-viral na nga kayo sa facebook palagi."

"Talaga? Hindi ko nakikita." Sabi ko nalanh pero kinikilig ako deep inside.

"Feeling ko nga malapit na kayong ma KMJS eh." Sabat ni Rita sabay humalakhak.

Natatawa nalang din ako sa mga kalokohan nila. Sa totoo lang, hindi ko napapansin na masyado na pala kaming people's choice. Feeling ko kasi sobrang opposite namin ni Scor kapag tiningnan mo nga siya parang pormal na pormal eh. Nahihilig tuloy ako ngayon sa mga smart casual na damit malayo sa madalas kong outfit dati na puro crop top at short shorts.

Pero sabi mga nila diba? Opposite attracts. Excited na nga akong ma meet ang parents ni Scor eh. Anniversary party daw kasi ng mga magulang niya sa susunod na linggo. Isasama niya daw ako.

"Okay ka na girl. Bilisan mo, nandiyan na ata iyong kasama mo sa shoot." Sabi ni Roxy.

Tumayo ako at sinumulan na ang photoshoot. Nakakapagod din pero okay lang naman dahil ito ang gusto kong gawin. Sayang naman ang looks at body ko kung hindi ko ibabalandra.

Matapos ang photoshoot ay nag-drive ako kaagad patungo sa condo ko. May ilang oras pa ako bago ang gig ko mamaya sa Urban. Magpapahinga nalang muna ako. Mabilis lang naman ang binyahe ko. Nagtaka ako dahil pagkapasok ko ay kinatok ng guard ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko iyon.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon