Chapter 32

3K 83 14
                                    

TOSCA

My first day as a single woman starts now! I am so proud of myself for handling a break up this well. Marami na akong naging ex, pero palaging ako ang nakikipag break. Naalala ko, wala nga palang break up na naganap. Pero sa tingin ko, understood na yon. Mukha namang hindi pa talaga siya nakakapag move on. Ayokong maging panakip butas niya. I might seem like an immature brat but I know how to handle break ups.

It's not that I want to go back dating again. I think I want to enjoy being a single woman for a while. Mas magiging masaya siguro ako kung mamahalin ko naman ang sarili ko at hindi ko ibubuhos lahat ng pagmamahal ko sa isang tao.

"Himala ata at nag yaya kang lumabas ngayon?" Ani Beatrice habang nagmamaneho. Sasakyan niya ang ginamit namin para sa night out naming magkakaibigan. Para mamaya ay mag ga grab nalang ako pauwi dahil sure ako na malalasing ako.

"Hindi talaga ako naniniwalang break na kayo ng hunk mong jowa! I mean, you're only dating for a few months!" Bulalas niya habang naka focus sa pag mamaneho.

Hindi niya ako nakikita kaya inirapan ko siya. Oo na! Lahat naman ng friends ko hindi makapaniwala. Kahit naman ako, hindi din makapaniwala na nakaya kong huwag mag makaawa sa kanya.

"Ganon talaga, Beatrice. They all come and go." Tamad na sagot ko.

"Sayang naman, sa lahat pa naman ng mga nagung boyfriend mo, sa kanya ako pinaka boto." Sabi niya pa.

"If you really like him that much, edi ikaw ang jumowa sa kanya!" Pasigaw na sabi ko.

Napapagod na akong paulit ulit na pag-usapan si Scor. Paano ako makaka move on ng tuluyan kung bukambibig siya ng mga kaibigan ko?

"Oh, chill ka lang sis! Hindi ka kasi nag ke-kwento kaya na curious kami." Natatawang sabi niya.

Hindi na ako sumagot at itinuon nalang ang atensyon ko sa lumalagpas na view sa gilid ko. Ewan ko ba, hindi naman ako madramang tao pero ramdam ko yung lungkot ko.

Puno ng tao ang entrance ng The Island sa BGC kaya naman nahirapan pa kaming mag hanap ng parking space. Nag-text si Maddie na nandoon na sila sa loob kaya inapura ko na itong si Beatrice na mag-hanap ng parking space.

"Ma'am Tosca! Ngayon nalang uli kayo nagawi dito eh." Bati sa akin ng pamilyar na bouncer sa entrance.

"Busy lang." Maiksing sagot ko naman.

Wala naman akong guesting tonight. My friends and I just want to hang out and party. Namiss ko din ang single night life ko. Pag pasok ko palang sa loob, ang dami ko nang namataang yummy boys pero ewan ko. Talagang parang wala ako sa huwisyong mag hanap ng boy toy ngayong gabi.

"What do you guys want to drink tonight?" Tanong ni Laine habang may naka abang na crew para kunin ang order namin.

"Why don't we do some shots today?" Tanong ko.

"Ooohhh! Someone wants to get drunk tonight." Tukso sa akin ni Maddie.

Inirapan ko siya pero sinakyan ko nalang din ang biro niya. She asked for a bottle of tequila, salt and a tray of sliced lemon. Wala pang laman ang sikmura ko pero ayos lang dahil gawain ko naman ito.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now